Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dimples Romana
Dimples Romana

Dimples, hirap bilang Amanda; sarili, kinamumuhian

SA thanksgiving presscon ng The Greatest Love ay pinuri si Dimples Romana bilang si Amanda dahil sa lahat ng teleserye niya ay ito ang kanyang ‘greatest performance’ dahil sobrang effective siya bilang kontrabida na halos lahat ng nanonood ay galit sa kanya.

Overwhelmed naman ang aktres sa papuring ito sa kanya ng entertainment press at aminado rin siya na nahirapan siya sa papel niya bilang si Amanda.

“You don’t know how much difficult for me to hate myself while I’m doing Amanda but also at the same time really push myself to be talagang as real as possible because as it was being discussed with me by Direk Mervin (Brondial) and Direk Paco (Sta. Maria), there were times na tinanong ko po talaga na ‘direk ganito na po talaga, ganito ba kasama si Amanda, ito na ba talaga ‘yun? Kailangan ko ba talagang sabihin ito?’Ilang beses ko po ‘yan (natanong). And I think it’s natural kasi bilang anak, ako rin, parang hindi ko maatim. Pero totoo po ‘yung nangyayari, may mga anak na ganoon, talaga pong may mga nakaka-relate kay Amanda at marami sila and the whole point of the show is to teach and touch people to change for the better and that also did that for me,” pahayag ni Dimples.

At dahil naiiyak na ang aktres ay niloloko na siya ng kasamahan niyang ‘iiyak na ‘yan.’

“Grabe po ang suporta ng family ko, ‘di ba? Kitang-kita n’yo naman, ganito rin po kami sa set kapag hindi namin nasasabi mga linya namin, binubully namin ang isa’t isa, wala kaming kasupo-suporta sa isa’t isa pero sobra rin po ang pagmamahal namin sa isa’t isa, totoo po ‘yan, I can attest to that.

“I’ll never get tired to thanking nanay Ginny (Ocampo -business unit head) and direk for Amanda. I know Amanda is just one of the children (of Gloria), but Amanda is mine, tha’ts me. I feel so honored. Thank you nanay Ginny for giving me the greatest role that has been given to me. Thank you po,” mahabang sabi ng aktres.

Tama at kung nakilala si Eula Valdez bilang si Ms. Amor Powers ay tumatak naman sa manonood ang karakter na Amanda ni Dimples.

Samantala, tatlong linggo na lang mapapanood ang TGL ay huwag itong palampasin ng mga sumusubaybay dahil mas maraming rebelasyong mangyayari pa sa bawat karakter ng kuwento.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …