ANG pelikulang nagpanalo kay Iza Calzado bilang Best Actress sa nakaraang 2017 Osaka Film Festival na ginanap sa Osaka, Japan nitong Marso 11 ay posibleng hindi mapanood sa mga Sinehan dahil binigyan ng X rating ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.
Ang pelikulang Bliss ay produced ng Tuko Films, Buchi Boy Productions at Articulo Uno Productions (TBA) na idinirehe ni Jerrold Tarrog ay nakatakda sanang ipalabas ngayong Mayo 2017.
Base sa post ng manager ni Iza na si Noel Ferrer sa kanyang Facebook account nitong Miyerkoles ng hapon, “THIS JUST IN: BLISS (the new film of award-winning director Jerrold Tarog after “Heneral Luna” – which won for Miss Iza Calzado the Best Performer Award) JUST GOT AN X RATING FROM THE MTRCB. IT WILL BE SO UNFORTUNATE & SUCH A WASTE IF A FILM THAT EARNED RAVE REVIEWS AND INTERNATIONAL HONORS IN THE OSAKA ASIAN FESTIVAL WON’T BE ALLOWED TO BE SCREENED TO THE FILIPINOS IN ITS INTEGRAL VERSION. *** Time to unite dear filmmakers and film audiences. We have to experience BLISS in the Philippines. #BLISS #RatedXbythe MTRCB #FilmmakersandAudiencesUnite.
Nagtanong-tanong kami sa taga-MTRCB pero hindi pa kami nabalikan hanggang sa matapos naming sulatin ang balitang ito.
FACT SHEET – Reggee Bonoan