Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina nag-iipon na, nagpapagawa ng bahay

Samantala, hiningan namin ng reaksiyon si Vina sa sinabi ni Piolo Pascual na mahal niya si Shaina at boto ang pamilya ng aktor sa dalaga.

“Ha, ha, ha talaga, salamat. Pero ayokong makialam sa kanila, basta nandito lang ako na nakasuporta sa kanya (Shaina) bilang ate,” masayang sabi ni Vina nang makatsikahan namin kahapon.

At dahil 26 years old na si Shaina ay tinanong namin kung nakikitaan na ni Vina na mag-aasawa na ang bunsong kapatid.

Nag-iipon pa ‘yun, tinatapos ang place niya,” kaswal na sagot ng singer/actress.

Balik-tanong namin kung bakit kailangan pa niyang magpagawa ng sariling bahay, eh, may bahay na naman si Piolo sakaling sila ang magkatuluyan sa future.

Independent si Shaina, masipag ‘yun, alam mo naman’yun, ‘di ba?” mabilis na sabi ni Vina sa amin.

Sabagay, bukod sa may sariling Ystilo Salon franchise si Shaina ay may ilang pintuan siyang pinauupahang apartment na matatagpuan sa may Visayas Avenue at Fairview Quezon City at may iba pa.

Sa kabilang banda, si Vina naman ay marami ring paupahang condominium building sa may likod ng Sto. Domingo at iba pang lugar na ayaw na lang ipabanggit at may-ari rin ng Ystilo Salon kasama ang kapatid na si Sheila Magdayao-Moreno.

Biro nga namin na ‘yung kinikita niya sa showbiz ay pang-extra na lang niya dahil sa rami ng negosyo niya.

Yes Reg, raket ako ng raket kasi ako lang naman bumubuhay kay Ceana,” say ni Vina.

At natutuwa naman din ang singer/actress sa anak dahil napaka-simpleng bata, walang luho sa katawan at maski anong ihain sa hapagkainan ay kinakain.

Hindi kasi pinalaki ni Vina na mayaman ang anak kaya hindi mapaghanap.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …