Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vina, ayaw makialam kina Shaina at Piolo

GAANO man ka-busy ang singer/actress na si Vina Morales ay binibigyan niya ng panahong makasama ang anak na si Ceana kapag weekends.

Kadalasan kasi kapag weekends ay may appointment si Vina pero hindi naging hadlang ito para hindi makasama ang anak lalo na kung out of town lang.

Nitong weekend ay lumipad ang mag-inang Vina at Ceana patungong Tagbilaran, Bohol bilang panauhin sa pagbubukas ng bagong franchise ng Ystilo.

Base sa IG post ni Vina, “It was a successful Inauguration of @ystilosalon TAGBILARAN BOHOL branch. Congratulations to our franchisee Mr. Dodong Arambala and Ms Ritzel Arambala and family.

“To mayor John Geesnell Yap and the wife of Cong Aumentado, Ms Vanvan thank you for gracing the event and to everyone who came for the meet and greet.

“Daghang Salamat Sa inyo tanan ,Ceana and I had a great time. Pagbisita mo sa branch at the 2nd floor of Island City Mall Tagbilaran, we have SUMMER PROMO.”

Kumbaga, business with pleasure ang ginagawa ni Vina na habang inaasikaso niya ang negosyo nilang magkakapatid na Ystilo Salon na umabot na sa 25 franchise nationwide at may seven branches na company own.

Isa rin si Shaina Magdayao sa franchisee ng Ystilo Salon na matatagpuan sa SM MOA.

Sabi ni Vina, sa rami ng bagong salon ngayon na may kanya-kanyang gimik para pasukin ng tao ay kailangan magsipag talaga at mag-isip ng promo na panghatak sa tao.

At pagkatapos ay at saka naman nagtampisaw sa magandang kulay ng dagat ang mag-inang Vina at Ceana para labanan ang init ng araw.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …