Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Golden Girl at Brave One, espesyal na tawagan ng JoshLia

HINDI itinanggi nina Joshua Garcia at Julia Barretto na malapit sila sa isa’t isa. Kaya naman may espesyal silang tawagan.

Ito ang inihayag nila nang mag-guest kahapon ng umaga sa Magandang Buhay ng ABS-CBN2.

Ayon kay Joshua, ‘Golden Girl’ ang tawag niya sa ka-loveteam dahil para itong yaman na iniingatan niya.

‘Brave One’ naman ang tawag ni Julia kay Joshua bilang matapang nitong ipinakikita ang nararamdaman.

Natanong nina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Karla Estrada ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Ani Joshua, isang magandang pagkakaibigan ang mayroon sila ni Julia.

“Mayroon kaming isang magandang friendship. Totoo ang ganda at ayaw kong masira ‘yon. Sobrang importante sa akin nito. At saka hindi importante kung hindi kayo, ang importante ay masaya kayo. Nakikita ko naman na masaya kami at tulungan pa kami sa lahat ng bagay,” sambit ni Joshua.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …