Saturday , December 21 2024

Titser kritikal 3 estudyante naospitaL (Asoge tumapon sa MaSci lab)

ABALA ang mga guro at mga kagawad ng National Disaster Risk Reduction Management office (NDRRMO) ng Manila City hall, sa paglilinis sa Manila Science High School makaraan ang mercury spill sa science laboratory, isang guro at tatlong estudyante ang dinala sa ospital makaraan ang insidente. (BONG SON)
ABALA ang mga guro at mga kagawad ng National Disaster Risk Reduction Management office (NDRRMO) ng Manila City hall, sa paglilinis sa Manila Science High School makaraan ang mercury spill sa science laboratory, isang guro at tatlong estudyante ang dinala sa ospital makaraan ang insidente. (BONG SON)

SINUSPENDI ng lokal na pamahalaan ng Maynila, ang klase sa Manila Science High School sa Taft Avenue simula nitong Huwebes, dahil sa pagkakatapon ng nakalalasong kemikal na mercury sa isang silid-aralan.

Natapon ang mercury nang matabig ang pinaglalagyan nito habang nililinis ng dalawang estudyante at dalawang guro ang stockroom ng isang science laboratory noong 11 Marso, ayon kay Manila City Health Office chief, Dr. Benjamin Yson.

Agad na-isolate ng mga bombero ang mercury na kanilang inilagay sa isang selyadong basurahan.

Ngunit ani Yson, nitong Martes lang nalaman ng Manila government ang insidente nang magkasakit ang gurong nakatapon sa mercury, at maalarma ang Department of Health (DoH) sa mataas na level ng kemikal sa katawan nito.

Ang DoH pa aniya ang nag-ulat ng insidente sa health office ng lungsod.

Tiniyak ni Yson, walang dapat ikabahala kahit kahapon lang sinuspendi ang klase sa eskwelahan, dahil agad naisara ang laboratory na pinangyarihan ng insidente, at hindi na-expose sa kemikal ang mga mag-aaral.

Napag-alaman, tatlo pang estudyante ang dinala sa ospital makaraan ang insidente.

Wala pang gustong magsalita mula sa pamunuan ng Manila Science High School hinggil sa insidente.

Hindi pa matiyak kung hanggang kailan tatagal ang suspensiyon ng klase lalo’t lumabas sa inisyal na pagsusuri ng DoH, mataas ang “reading” ng mercury o dami ng kemikal na natapon.

Nasa 3,758 nanograms per cubic meter (ng/m3) ang reading ng DoH, gayong ang borderline ay 200 ng/m3. Ang labis na “exposure” sa mercury ay nakamamatay.

Isang pribadong grupo na kinontrata ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang maglilinis ng mercury spill.

Bumuo na ng inter-agency task force and DoH, DENR, Manila Health Office, Disaster Risk Reduction and Ma-nagement Office kaugnay ng insidente.

(LEONARD BASILIO)

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *