ANG Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) under Director Neil “Star” Estrella ay patuloy na hinahanap ang mga lungga na pinag-iimbakan ng mga smuggle at huwad na mga paninda/kargamento sa Metro Manila.
Puro positibo at matagumpay ang kanilang operasyon laban sa smuggling sa loob at labas ng Customs.
Ang concern lang ng mga tauhan o ahente ng CIIS na sumasagupa at sumasalakay sa mga bodega o warehouses at stall owners kung sila ba ay covered ng life insurance or hazard pay during the actual operations?
According to my information, ang CIIS agents are assigned also to guard ang mga nahuling bodega.
Bakit?
Hindi ba ang dapat magbantay dito ay mga ESS (customs police in uniform)?
Balita kasi sa Aduana, may isang sistema sa customs for a long time, ang umiiral na kalakaran sa pagitan ng CIIS at ESS.
Ito ang “Huli mo, bantay mo!”
Hindi ba ang dapat ay mga customs police ang ma-assign to guard and protect the interest of Customs?
Tama ba o mali ang sistemang ito na umiiral that need to be address by the Commissioner of Customs?
Kung ako ang tatanungin, 100% disagree ako sa sistemang ito.
Hindi ba nalalagay sa peligro ang CIIS agents na nagbabantay ng mga nahuling bodega na naglalaman ng smuggled goods?
Mas mainam na magka-tandem ang Customs police at CIIS for strong security measure laban sa mga ilegalista.
Serbisyo publiko lang po.
PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal