Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda, clueless sa sinasabing binastos niya si Ate Guy

BILANG unang manager ni Vice Ganda, si Ogie Diaz, nagbigay siya ng reaksiyon sa sinasabi ni Nora Aunor na binastos siya ng main host ng It’s Showtime.

Matatandaang hindi sinipot ng Superstar ang programa bilang isa sa Hurado sana ng Tawag Ng Tanghalan noong Sabado at ang dahilan niya ay dahil hindi siya gusto ni Vice.

Ayon kay Ogie, “ang ganda sana kung andun si Ate Guy. Well-applauded siguro yung production number ng mga past winners ng Tawag Ng Tanghalan.

“Eh, kaso nga, hindi mo rin maintindihan itong si Ate Guy, eh. Me mga hugot na wala namang tiyak na pinanggagalingan. Ni hindi niya masabi ang eksaktong detalye kung paano siya binastos ni Vice.

“Clueless tuloy ang bakla. Pwede namang patulan ito ni Jose Marie Borja Viceral, pero mas pinili na lang nitong manahimik kesa i-dignify pa ang claim ni Ate Guy.

“Pero kung ako ang manager ni Ate Guy, bonggang career move ‘yung nag-guest sana siya sa “It’s Showtime, no?  Baka sunud-sunod na naman ang offers sa kanya.

“Haaaay….

“Bongga sana kung may adviser si Ate Guy. Otherwise, ayaw niyang magpa-advise at ang gusto niyang mangyari ay yung gusto niya.

“Sayang” by Claire dela Fuente, if not “Sayang Na Sayang” by Manilyn Reynes.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …