Friday , November 22 2024

Morente nangako: Ban sa OT ng BI employees tutugunan

 

PERSONAL na sinubaybayan nina Immigration Commissioner Jaime Morente at Immigration Port Operation Division chief Marc Red Mariñas ang daloy ng mga pasahero na dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 kasabay ng pangako sa Immigration officers na ginagawa nila ang lahat para maibalik ng Department of Budget Management (DBM) ang kanilang overtime pay. (JSY)
PERSONAL na sinubaybayan nina Immigration Commissioner Jaime Morente at Immigration Port Operation Division chief Marc Red Mariñas ang daloy ng mga pasahero na dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 kasabay ng pangako sa Immigration officers na ginagawa nila ang lahat para maibalik ng Department of Budget Management (DBM) ang kanilang overtime pay. (JSY)

“BE patient, we are doing our best to fulfill your grievances,” pahayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente, kasabay ng inspeksiyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, kahapon.

Nangako si Morente, 37 immigration officers (IO), ang ide-deploy sa NAIA, at may 1,000 plantilla positions ang bakante para sa kanila.

Gayonman, sinabi ni Morente, ito ay matatagalan dahil hihintayin na maaprubahan ng Department of Budget Management (DBM).

Samantala, itinanggi ni Morente ang mga ulat na may 200 personnel mula Armed Forces of the Philippines (AFP), ang isinailalim sa pagsasanay para ipalit sa immigration officers.

Sinasabing nanga-ngamba ang Malacañang kaugnay sa napaulat na bilang ng immigration officers, na nag-official leave of absence, kasu-nod ng kanselasyon ng kanilang overtime pay nitong Enero.

Napaulat na may ave-rage 20 BI personnel sa NAIA, ang lumiliban kada araw.

Sinabi ni Red Mariñas, BI Operations Division chief, mula sa  P60,000 monthly na kanilang natatanggap, malaking bahagi nito ang ginagamit nila sa pag-upa ng apartment, at sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Aniya, karamihan sa kanilang IO, na nakatalaga sa NAIA, ay mula sa kalapit na mga lalawigan.

Dagdag niya, makaraan ang pagbisita, umaasa silang makokombinsi ni Commissioner Morenta ang Malacañang, na suspendihin ang pagpapatupad ng overtime ban.

“We are also hoping that Malacañang would be able to certify as urgent the Immigration Act,” aniya.

May panukala sa Mababang Kapulungan, ang Immigration Act, kapag nalagdaan bilang batas, ito ay magtataas sa kanilang salary-grade rating and compensation, at bubuo ng 4,000 karagdagang bagong plantilla position para sa BI personnel.

Ang 1200 organic at 900 contractual employees ng BI ay dating tumatanggap ng overtime pay mula sa express lane fees. Ito ay bayad na natatanggap mula sa foreign tourist at mga bisita, kapalit nang mabilis na pagproseso ng kanilang permit. Ang naiipong pera mula rito ay inilalagay sa trust fund.

Sinabi ni Mariñas, ang P20,000 basic salary kada buwan ng BI officials ay hindi sapat, dahil makaraan alisin ang deductions, ang matatanggap na lamang nila ay P15,000 hanggang P16,000 take-home pay.

Hinaing ng BI officers, patuloy sa pagdami ang mga turistang dumara-ting, kasabay nang paglago ng airline industry, ngunit ang kanilang compliment ay nananatiling nasa 2,000 levels sa buong bansa.

Ayon kay Mariñas, ang BI ay nangangaila-ngan ng 4,000 personnel para mapangasiwaan ang 10 commercial airports sa buong bansa, at isang seaport sa Zamboanga.

Sa kasalukuyang pamantayan, sa cost of li-ving, ang halaga ay hindi sapat para sa damit, pagkain at pagpapaaral sa kolehiyo sa mga anak. “This is taxable income, and lower-ranking personnel receive even less,” pahayag ni Mariñas.

Ang “cost of living index” sa Metro Manila ay P23,000 para sa single individual, at P83,000 pamilyang binubuo ng apat katao.

Gayonman, sinabi ng Immigration Officers na miyembro ng BUKLOD, “we will abide by the rules and we will not abandon our duties and responsibilities to the riding public as immigration officers.”

(JSY)

About JSY

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *