TAGUMPAY ang ASAP sa experiment nilang itambal si Sarah Geronimo sa mga Kapamilya young actor sa production number nito every week sa nasabing Sunday musical show ng Dos dahil umaani talaga ng mataas na ratings!
Unang isinalang si Daniel Padilla na naka-duet ni Sarah sa isang pop number na sinundan naman ni James Reid na agad nag-viral sa social media.
Last Sunday ay si Enrique Gil ang nakasama ng Pop Star Princess sa dance and number nito sa ASAP.
Well sino-sino pa kaya sa young boys ng ABS-CBN, ang nakatakdang makasama ni Sarah G na nag-umpisa nang mag-shooting ng comeback movie nila ni John Lloyd Cruz sa Star Cinema na may titulong “Dear Future Husband” at pasok uli ang singer-actress bilang isa sa coaches ng The Voice Teens.
Hashatag#SarahGTheUnfadingStarGyud!
Matitinding task o challenge sa “I Can Do That”
Kakayanin ng loveless na sina Robi, Daniel, Gab, at Arci
BAGONG KAPAMILYA TALENT-REALITY
SHOW NGAYONG MARCH 11 NA
Ang saya ng grand presscon ng “I Can Do That” sa studio 10 ng ABS-CBN dahil parehong game na sinagot nina Robi Domingo at Daniel Mastunaga (parehong ka-iisplit lang sa kanilang mga girlfriend na sina Gretchen Ho at Erich Gonzales) ang tanong na ipinukol sa kanila ng entertainment press ukol sa kanilang pagiging loveless ngayon.
Sey ng maluha-luhang si Robi, “Siyempre, with all the things that happened, kailangan mag-move forward kasi there’s no time to be sad muna. I Have the fair share of my sadness. Honestly until now, I’m still hurting pero kailangan kong mag-focus kasi you got lots on your plate. Ito na ‘yung opportunity (magandang break), antagal mong hinintay itong moment na ito. Right now, with all the things that happened I can do that because I have to
do.”
Sila ni Alex Gonzaga, na makulay naman ang lovelife ang tatayong host ng bagong Kapamilya talent-reality show na magsisimula nang umere ngayong March 11 (Saturday).
Kay Daniel, mahal pa rin daw niya hanggang ngayon si Erich kaya’t hirap daw ang actor sa kanyang pinagdaraanan.
“Siyempre po mahirap, ano? Lahat ng pinagdadaanan ko, siyempre I love the person, nalulungkot ako kasi affected ang family. This time need ko mag-focus sa show,” saad niya.
Wala namang nagtanong sa dalawa pang loveless sa show na sina Arci Muñoz at Gab Valenciano pero proud ang dalawa at napabilang sila sa “I Can Do That” at lahat daw ng challenge kahit sobrang hirap ay gagawin nila.
Pinaka-nanay ng programa si Pokwang, na may blessing naman daw ng dyowang kano na si Lee
O’Brien sa pagtanggap niya sa show kasama ng mga task na gagawin na minsan ay iniiyakan nila dahil hindi nila nagagawang mabuti ang ibinigay sa kanilang challenge.
Kasama sa I CANdidates ang mahusay na actress at jiu jitsu enthusiast na si Cristine Reyes, in-demand cover girl Arci Muñoz, TV heartthrob JC Santos at ang gay comedian na si Wacky Kiray. Kada linggo, iba-iba ang makaka-partner nila sa pag-perform ng isang extraordinary act na kailanman ay hindi pa nila nagagawa.
Magtatanghal sa harap ng I CANdidates ang iba’t ibang grupo ng professional performers ng acts na maaaring nakamamangha, nakatatawa, at makapigil-hininga at siguradong susubok sa kanilang imahinasyon at tapang.
Kung sa tingin ng I CANdidates ay kaya nila itong gawin, bababa sila sa hagdan patungo sa performers. Ang unang makarating sa ikaapat o huling step ang magpe-perform ng naturang unique act at pipili ng makakaparehang I CANdidate na sa tingin nila ay makapagpapanalo sa kanilang performance. Didiretso sa isang linggong paghahanda ang iCANdidates bago nila i-perform ang kanilang unique act. Ang pares na makakukuha ng pinakamataas na pinaghalong score mula sa scores na ibibigay ng bawat iCANdidate at extra points na ibibigay sa mananalo ng audience vote ang tatanghaling weekly winner.
Naging puspusan na nga ang rehearsals ng I CANdidates at may nagkaiyakan na dala ng sakit ng katawan at hirap na naabot nila rito. Sa katunayan, halos mabukulan si Daniel dahil natamaan siya ng props na gamit niya sa kanyang act. Ano-anong unique talents ang kayang gawin ng I CANdidates? Sa gitna ng stress na napagdaanan nila sa training, may nagkapikonan na kaya? Ang “I Can Do That” ay nilikha ng Armoza Formats ng Israel at nagawan na ng lokal na bersiyon sa 20 bansa sa buong mundo, kabilang ang US version nito na ang singer na si Nicole Scherzinger ang
itina nghal na unang Greatest Entertainer.
Abangan ang pagbubukas ng “I Can Do That” sa Marso 11 sa ABS-CBN at alamin kung saan ang kayang gawin at ipakita ng inyong Kapamilya idols upang aliwin ang bawat manonood. Para sa updates, i-like lang ang www.facebook.com/ICanDoThatPH o sundan lang ang @ICanDoThatPH sa Twitter o Instagram.
Sa The Greatest Love
GLORIA (SYLVIA) MAGISING
PA KAYA SA PAGKAKATULOG?
Kung kailan nagkakaisa na ang kanyang mga anak para siya alagaan, at malapit-lapit na rin ang paghahatid sa kanya sa altar ni Peter (Nonie Buencamino) ay saka naman mangyayari ang hindi inaasahan ng pamilya sa “The Greatest Love.”
Matapos umattend sa graduation rites ng apong si Z (Joshua Garcia) na tumanggap ng honor ay umatake ang sakit sa limot ni Gloria (Sylvia Sanchez) dahil sa kanyang Alzheimer’s, napagkamalan niyang tatay niya ang photographer na kumukuha kay Z.
At ngayon ay labis ang pag-aalala ni Peter at mga anak na sina Amanda (Dimples Ro-mana), Lizzele (Andi Eigenmann), Andrei (Matt Evans), Paeng (Arron Villaflor) at bestfriend na si Lydia (Rubi Ruiz) kung magigising pa ang ilaw ng kanilang tahanan?
Tungyahan ngayong Lunes (March 6) sa episode ng TGL kung ano ang susunod na mangyayari kay Gloria at mapapanood ito tuwing hapon pagkatapos ng The Better Half sa Kapamilya Gold.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma