Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arci sakaling si Ellen ang kahalikan, Wow! I wish

NAGULAT si Arci Munoz na isinabay ni Baste Duterte ang kaibigang si Ellen Adarna sa non-showbiz girlfriend nito at ina ng anak na si Kate Necesario.

Sa nakaraang presscon ng bagong reality show ng ABS-CBN na I Can Do That na isa si Arci sa ICandidate ay inamin nitong hindi niya alam na ganoon ang ginawa ng Presidential son.

“Ay naku, kapag nakausap ko ‘yang si Baste, sasabunutan ko ‘yan, eh,” pabirong sabi ng seksing aktres.

Hirit namin na pumayag naman si Ellen na dalawa sila sa buhay ni Baste kaya walang kasalanan ang guy.

“Kahit na, bilang gentleman, tsong naman!,” katwiran pa ni Arci.

Sabay sabing, ”nakum may topak kasi sila pareho! Bahala sila sa buhay nila kung ano gusto nilang gawin!”

Sa tanong kung nagulat si Arci na sina Ellen at Baste na pareho niyang kaibigan.

“Hindi, hindi ako nagulat, kasi noong nakita kong lumalabas sila, sabi ko (sarili), ‘ay alam ko na’ roon mapupunta,”  kuwento ng dalaga.

Tinanong namin ng diretso kung sa tingin ba ni Arci na kay Ellen ang diperensiya kaya sila naghiwalay ni Baste?

“Feeling ko nasa kanilang dalawa. Tanong n’yo na lang siya (Ellen),” mabilis nitong sagot.

Natanong din ang aktres tungkol sa umano’y gumagamit ng droga ang kaibigan niya.

“Huh? Hindi ko alam, friend ko siya nagkakakuwentuhan kami, pero hindi ko nakikita,” sabi pa ni Arci.

Balik-tanong namin kung normal si Ellen kapag magkasama sila ni Arci dahil nga kilalang lasenggera ang Tisay na aktres.

“Opo, normal naman siya. I know she drinks a lot and we all know that at na-witness ko naman na gumagapang talaga siya kaya hinihila ko siyang umuwi na, pero ‘yung drugs, parang hindi naman siya capable,” pagtatanggol pa ni Arci sa kaibigan niya.

Natanong din ang tungkol sa viral video na may kahalikang babae si Ellen pero walang alam si Arci.

Hindi ba sila ni Ellen ‘yung naghahalikan?  ”Wow, I wish,” nakangiting sabi ni Arci. ”Ano bang klaseng kiss ‘yun?” sabay tanong pa.

‘Torrid’ sabi ng isang katoto at napahiyaw si Arci, ”talaga, naku pagsasabihan ko ‘yan. Oo, nakikinig naman siya sa akin, ako kasi ang pinaka-ate nila, nanay din nila, ako talaga susuway sa kanila,” kuwento ng dalaga.

Nakikinig naman si Ellen kay Arci kapag nagseryoso na ang huli, maliban kay Baste, ”ay bahala sila kung ano gusto nila, kung saan sila masaya, ‘di ba? Pero ako kasi, when it comes to taking care of herself, iyon doon ako, para akong ate,”paliwanag pa ng aktres.

At dahil mukhang babaeng Arci rin si Baste kaya tinanong namin ang dalaga kung hindi ba niya nataypan ang barakong anak ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.

“Si Baste?  Hindi, eh kasi tropa ko siya, tropa ko silang dalawa,” katwiran nito.

Sa madaling salita, niloko ni Baste si Ellen kasi nga isinabay kay Kate.

“Ewan ko ba, parang tanga, ‘di ba? Ano ba tawag doon? Kasi kung ako ‘yun hindi ako papayag, sa normal na relasyon, hindi ako papayag na may kasabay o kahati,”diin ni Arci.

Sa madaling salita, hindi babaero si Mr. Bones? ”No! Loyal siya.”

At dahil na-witness ni Arci sina Ellen at Baste ay akala niya sila na talaga.

“Kasi lalaking version ni Ellen si Baste, so akala ko magki-click sila, eh. Boto kaming mga friend sa kanilang dalawa, masayang-masaya nga kami, eh. Pero bilang babae kung sa akin gagawin iyon, magagalit ka rin pero bahala sila sa buhay nila,” kuwento ni Arci.

Samantala, ayaw namang i-reveal ni Arci kung anong act ang ginawa niya sa I Can Do That na mapapanood na sa Sabado, Marso 11 kapalit ng Pinoy Big Brother Dream Team.

Ang I Can Do That ay franchise ng Armoza Formats ng Israel at nagawan na ng lokal na bersiyon sa 20 bansa sa buong mundo, kabilang na ang US version na ang singer na si Nicole Scherzinger ang itinanghal na unang Greatest Entertainer.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …