Wednesday , February 18 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sheena Halili, Pambansang Bestfriend

HINDI ini-expect ng Kapuso actress na si Sheena Halili na magiging close sila ni Maine Mendoza na pareho nilang first time na magkatrabaho.

Magkasama ang dalawa sa teleseryeng Destined To be Yours kasama rin si Alden Richards na nagsimulang mapanood last February 27.

Ani Sheena, “Si Maine naman, hindi ko naman ine-expect.

“Sabi nga ni Juancho Trivino ‘Mayroon kaming Viber group ni Sheena, kaming dalawa lang.’

“Nakakatawa, Viber group, pero kaming dalawa lang.

“Sabi ni Maine, sama niyo naman ako.

“Sabi ko, ‘Ay, teka muna, iisipin ko muna Maine, ha, kung isasama ka namin?’

“Ako ‘yung admin, eh. Pero siyempre, joke lang ‘yun. So ‘yun, siyempre naman, ‘di ba. Hangang sa ayun naging close ko na siya.”

Marami nga ang nagsasabi na si Sheena na talaga ang title holder ng pagiging Pambansang Bestfriend ng mga bida sa teleserye dahil kung ilang beses na siyang naging BFF ng mga seryeng kanyang kinabibilagan at ang lahat ng mga nakakasama ay nagiging instant bestfriend niya talaga.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Priscilla Meirelles John Estrada

John nasaktan nang matanggap desisyon sa divorce nila ni Priscilla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NGAYONG diborsyado na si John Estrada, puwede na raw nitong ilantad ang …

Izzy Trazona Alvin Aragon Sunshine Garcia Alex Castro

Mga asawa nina Sexbomb Izzy at Sunshine ikinukompara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pa ring netizen ang nagkukompara sa mga naging asawa nina Sexbomb …

Michelle Dee Xian Gaza

Michelle Dee nagsampa ng cyber libel complain vs. Xian Gaza

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAGSAMPA sa NBI–Cybercrime Division nitong Lunes, February 16, ang actress-beauty queen …

KimPau Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim may inamin sa bulaklak na bigay ni Paulo: nakaka-girl, napapa-happy ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG paligoy-ligoy at walang kagatol-gatol na inamin ni Kim Chiu na galing sa …

Louie Ignacio Mantsa Pilar Pilapil Gelli de Belen

Direk Louie Ignacio deretsahang ipinahayag, ayaw sa unprofessional na artista

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng kilalang direktor na si Louie Ignacio na kakaibang …