Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, nai-stress sa mabibigat na eksena bilang Mommy Glo; Kasal kay Peter, sa Marso na magaganap

KAHAPON ipinakita ang eksenang naihi sa pantalon niya si Sylvia Sanchez bilang si Mama Gloria ng The Greatest Love.

Ito na ‘yung kuwento ng aktres na isa sa gagawin niyang mahirap bilang maysakit ng Alzheimer’s na bukod sa nakalilimutan na ang lahat kasama na ang mga anak ay may mga gagawin siyang kakaiba.

“Naisip ko sa pinagdaraanang hirap ng maysakit na Alzheimer’s ay mas doble hirap ang nararanasan ng mga nag-aalaga kasi isipin mo, naihi siya, siyempre lilinisin mo. At worst kung dumumi pa, hindi pa pahirap iyon. Kaya sana hindi mangyari sa akin iyon.

“Sabi ko nga ‘di ba, saludo ako sa mga taong nag-aalaga ng maysakit na Alzheimer’s kasi ramdam ko, eh,” kuwento ni Sylvia sa amin kahapon habang tinitipa namin ang balitang ito.

Inamin din ng aktres na stress siya sa papel niya bilang si Mama Gloria at para mawala ito ay nagbabakasyon siya sa resthouse nila sa Batangas.

“Oo maganda ang role ni Gloria, pero mabigat kaya ginagawa ko ‘pag puro iyak ako the whole week, nag-a-unwind ako ‘pag week-end. Punta ako ng beach o kaya magluluto ako ng magluluto para makalimutan ko ng Saturday and Sunday si Gloria.

“Nagre-recharge ako ‘pag week-end para fresh ulit ang puso ko para ma-portray ng maayos ang role ko bilang Gloria mula Lunes hanggang Biyernes,”  paliwanag pa ni Ibyang.

Samantala, tumatakbo ang kuwento ngayon ng The Greatest Love sa pamamanhikan na ni Peter (Noni Buencamino) sa pamilya ni Gloria at nakatakda ang kasal nila sa ikatlong linggo ng Marso at hinahanapan pa ng venue at oras.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …