Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, ‘ di totoong papalitan sa Darna

SITSIT ng aming source, si Angel Locsin pa rin ang gaganap na Darna sa pelikulang ididirehe ni Erik Matti produced ng Star Cinema.

At alam pala ito ng buong ABS-CBN kaya siguro noong tanungin si Yassi Pressman  nang pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN ay tinanong siya kung anong pakiramdam na ikinokonsidera siyang maging Darna at natawa na lang ang leading lady ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil alam niyang hindi mangyayari iyon.

Bagkus ay nagpasalamat pa rin siya dahil tinanong siya at naisip na puwede siyang maging Darna o maging parte ng pelikula.

Ilang beses na kasi naming sasabihin na ibibigay ang Darna project sa talent ng ABS-CBN at Star Cinema, hindi sa mga artistang may co-management, ‘di ba Ateng Maricris?

Anyway, tinanong namin ang aming source kung kailan magsisimula ang shooting ng Darna, ”as of now hindi pa alam kung kailan ang start ng shooting ng ‘Darna’ kasi puro training pa ngayon si Angel for preparation.”

Maging si direk Matti ay naghahanda na sa pre-production ng Darna dahil sabi sa amin, ”sobrang busy nina direk Erik ngayon sumasabay pa sa ‘OTJ’ (mini-series).”

Hindi pa rin nagbibigay ng official statement ang Star Cinema tungkol dito kasi nga naman baka maudlot na naman ang shooting.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …