Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cebuano na child stars sa FPJ’s Ang Probinsyano natural, mahusay umarte (Coco binigyan ng bagong cellphone sina Paquito at Ligaya)

ANG character actress sa TV, movies at stage play na si Malou Crisologo ang acting coach ng mga Cebuanong at bagitong child stars sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na sina Paquito, Ligaya at Dang.

Kung panonoorin ninyo ang tatlo sa No. 1 action drama serye ni Coco Martin sa ABS-CBN Primetime Bida ay very natural silang umarte lalo si Paquito na nagsisimula nang magkaroon ng tatak sa mga manonood.

Pero kahit may bagong salta sa kanyang teleserye ay hindi nagbabago ang pagmamahal at suporta ni Coco sa original niyang anak-anakang si Onyok at Macmac.

Samantala dahil behave at pinagbubuti ang pag-arte ay nagkaroon ng reward sina Paquito at Ligaya noong Valentine’s day. Nakatanggap sila ng regalong brand new cellphone mula sa kanilang kuya Coco.

“Thank you kuya Coco, cellphone ayos ka Bay walastik gid,” pasalamat ng isa sa nakatanggap ng cellphone na si Paquito sa kanyang idol na actor.

Cardo, ayos ka gyud!

GINTONG BUHOK NI LOISAPATULOY
NA PINAGKAKAKITAAN NI NIKKI
SA “MY HAIR LADY”

Alam na ni Audrina (Nikki Valdez) ang sikreto kung paano siya madalas makakukuha ng ginto sa buhok ni Goldie (Loisa Andalio) — kailangan laging masaya ang dalaga dahil kung hindi ay wala silang  mapapala  ng mister na si Edgar (Polo Ravales).

Kaya kahit iritada at gustong higpitan si Goldie ay walang magawa ngayon si Audrina kundi ang magkunwari-kunwariang cool para patuloy na makinabang sa hair ni Goldie tuwing kanyang

ginugupitan.

Pero mukhang hindi na rin magtatagal ang pananamantala ni Audrina lalo’t concern na kay Goldie ang tunay niyang mga magulang na sina Christy (Matet de Leon) at Marcus (Bobby Andrews).

So nabibilang na rin ang araw nina Audrina at Edgar. Sigurado kapag nalaman ni Goldie ang totoo ay tiyak na kamumuhian niya nang husto ang pekeng ina.

Sino naman kaya ang magwawagi sa puso ng dalaga, si Jameson Blake kaya o si Mark Oblea? Mas malapit ngayon si Goldie kay Jameson na nakasama niya ang pamilya noong umalis siya sa kanilang bahay para hanapin ang kanyang mahal na yayang si Noring (Rubi Rubi).

Panoorin si Loisa Andalio sa pagpapatuloy ng “My Hair Lady” sa Wansapanataym pagkatapos ng Your Face Sounds Familiar Kids sa ABS-CBN-2.

ELMO AT JANELLA MAY BAGONG
TELESERYE SA DREAMSCAPE ENTERTAINMENT
KASAMA SI NASH AGUAS

After ng teleserye nilang “Born For You” na pinag-usapan talaga ang mga bawat eksena ay may upcoming teleserye ang ElNella loveteam na sina Elmo Magalona at Janella Salvador sa Dreamscape Entertainment na makakasama ng dalawa sa bagong proyekto si Nash Aguas.

Wala pang ibinibigay na detalye kung ano ang magiging titulo at iba pang part ng cast at magiging director nito pero sigurado dahil kamakailan lang ay nagkaroon ng meeting para rito. Bahagi ng meeting ang mabait at sweet na business unit head ng Dreamscape na si sir Deo Endrinal. I’m sure ikatutuwa ng ElNella fans ang nasabing good news.

BACK To BACK – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …