Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria Atayde, magbabalik na sa My Dear Heart

MULING napanood si Ria Atayde bilang si Gia sa seryeng My Dear Heart nitong Miyerkoles.

Kaya naman ang saya ng dalaga dahil ibabalik na ang karakter niya sa MDH bilang tunay na ina ni Heart.

Matatandaang pinaalis si Gia ng kanyang inang si Dra. Margaret Divinagracia (Coney Reyes) para mangibang bansa (Europe) kaya akala ni Ria ay hindi na siya kasama sa istorya dahil nag-asawa na rin naman ng iba ang ex-boyfriend niyang si Jude (Zanjoe Marudo) na ama ni Heart (Nayomi Ramos).

Samantala, nabitin kami sa episode ng My Dear Heart noong Miyerkoles ng gabi dahil parehong nasa ospital sina Gia at Jude at nasa gitna nila si Heart (Nayomi).

Ang My Dear Heart ay mula sa direksiyon nina Jerome Chavez Pobocan at Jojo A. Saguin handog ng Dreamscape Entertainment.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …