Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Palag ng Anakbayan: De Lima hindi political prisoner

HINDI puwedeng ituring na political prisoner si Sen. Leila de Lima, ayon sa makakaliwang grupo ng mga kabataan na Anakbayan.

Sa panayam ng Hataw, binatikos ni Kevin Aguayon, spokesperson ng Anakbayan-Metro Manila, ang pahayag ni De Lima, kapag inaresto siya ng mga awtoridad ano mang araw dahil sa mga kasong may kaugnayan sa illegal drugs.

Pinabababaw aniya ni De Lima ang kahulugan ng political prisoner, at hindi puwedeng maging detenidong politikal ang senadora dahil drug-related cases ang kinakaharap niya.

Giit ni Aguayon, ang political prisoner ay tunay na nagtatanggol sa mga mamamayan, at imbentong kaso na isinampa ng estado, gaya ng mga dinakip na aktibista sa su-nod-sunod na pag-atake sa komunidad.

Dagdag ni Aguayon, si De Lima at ang paninira ni Sen. Antonio Trillanes kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng bank accounts ay dalawang mukha ng Liberal Party, na tumatangis sa tagumpay ni Duterte noong nakalipas na halalan.

Nauna nang nanawagan ang Anakbayan noong Disyembre 2016 kay Pangulong Duterte, na ipursige ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga opisyal ng administras-yong Aquino, upang hindi magtagumpay ang Liberal Party na agawin ang kapangyarihan.

Sa kalatas, sinabi ni Anakbayan Chairperson Vencer Crisostomo, ang pagbibitiw ni Vice President Leni Robredo sa gabi-nete ni Duterte, ay maaa-ring bahagi ng plano ng LP na magbalik sa poder.

“While Duterte has assured the former president that he will not be prosecu-ted, Robredo’s resignation is a clear sign of growing contradictions within the ruling classes and may even be part of an LP restoration plan,” ani Crisostomo.

Kaugnay nito, inilinaw ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, mali ang pagtawag ni De Lima sa sarili bilang political pri-soner dahil  ang drug ca-ses ay walang sangkot na paniniwalang politikal, bagkus ay sariling desis-yon ang pagkasangkot dito.

“It is wrong for Senator De Lima to refer to herself as a political prisoner,” pahayag ni Aguirre. “Drug cases do not involve one’s political beliefs. It involves one’s choice to be involved in illegal drugs,” aniya.

(ROSE NOVENARIO)

Pimentel sa arresting officer
COMMON SENSE PAIRALIN
SA PAG-ARESTO KAY DE LIMA

UMAPELA si Senate President Aquilino Koko Pimentel III, sa law enforcers, na pairalin ang common sense sakaling arestohin si Sen. Leila de Lima kaugnay sa drug cases.

Ayon kay Pimentel, sakaling isilbi ng mga miyembro ng Philippine National Police, ang warrant of arrest laban kay De Lima, nawa ay huwag silang istorbohin sakaling nasa sesyon sila sa Senado.

Kailangan din aniyang makipag-ugnayan ang mga pulis na magpapatupad ng warrant of arrest, sa Senate security officers.

Matatandaan nitong Biyernes, naghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal complaint ang Department of Justice sa Muntinlupa Regional Trial Court laban sa senadora.

May kaugnayan ito sa sinasabing pagkakasangkot ni De Lima sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid prison, noong siya ay kalihim pa lamang.

Samantala, binigyang-diin ni Pimentel, hindi maki-kialam ang Senado kapag iniutos ng local court ang pag-aresto kay Leila de Lima.  “Dito papasok ang separation of powers… Hindi po dapat nakikialam ang ibang branches. So respeto lang po tayo,” pahayag ni Pimentel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …