INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang pagbabalik ng Reserved Officers Training Course (ROTC), sa Grades 11 at 12, sa mga pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa.
Nabatid kay Agriculture Secretary Manny Piñol, sinertipikahan bilang “Urgent” ni Pangulong Duterte, ang usapin sa ginanap na cabinet meeting kahapon, at ipadadala na sa Mababang Kapulungan at Senado.
Si Defense Secretary Delfin Lorenzana aniya ang naghayag nang panukalang amyendahan Republic Act 7077, upang maging mandatory ang ROCT.
“Lorenzana said ROTC instills patriotism, love of country, moral and spiritual values, respect for human rights and adherence to Constitution,” ani Piñol. (ROSE NOVENARIO)