Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Digong tumutol maging arms depot ng US (PH para ‘di maging willing victim)

PUMALAG si Pangulong Rodrigo Duterte sa plano ng Amerika na gawin lunsaran ng giyera ang Filipinas kontra China.

Sa press conference kamakalawa ng gabi sa Palasyo, nagbabala si Pangulong Duterte sa US, ibabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapag itinuloy ang plano na mag-imbak ng mga armas pandigma sa bansa, kasama ang mga armas nukleyar.

“They are unloading arms in the Philippines now. Dito sa Palawan, Cagayan de Oro, pati Pampanga.  I am ser-ving notice to the Armed Forces of the United States: Do not do it. I will not allow it,” anang Pangulo.

Paliwanag ng Pangulo, may probisyon sa VFA na hindi puwede magtayo ng permanenteng estruktura ang US sa Filipinas.

“First of all, merong provision diyan sa Visiting Forces Agreement that there shall no be permanent facilities. A depot by any other name is a depot. It’s a permanent structure to house arms. And I do not even know if there is a nuclear tip now that they are unloading because bawal eh sa atin. So, and besides, more or less a depot is not…It’s a permanent one, it’s not allowed by the treaty. You do that and I will consider a review and maybe ultimately abrogate, since it is an Executive Order, abrogate the treaty all together,” aniya.

Giit ni Duterte, kahit magkaalyado ang Filipinas at Amerika, hindi siya makapapayag na makaladkad ang bansa, sa giyerang nais ilunsad ng US kontra China.

Aniya, ikinukubli ni Uncle Sam ang pakanang digmain ang China sa alibi na ”international seas” ang South China Sea, habang ang Beijing ay kinakamkam ito gayong batay sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) ay sakop ng 200-nautical mile exclusive economic zone ang paligid ng Scarborough Shoal.

Kapag kinonsinti ni Duterte na magkaroon ng bodega ng armas ang US sa bansa, magiging target ang Filipinas ng ngitngit ng China, maaaring maging mitsa ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig.

“Ngayon the missiles of China are pointed at the American expeditions dito. Iyang mga depot nila would serve as a supply line nila. Ngayon, ang unang tatamaan niyan ang lapit lang sa Filipinas niyang missiles nila. They will hit Cagayan, Palawan and Basa.”

“So? G*** ba akong papayag? Oo, kaibigan tayo pero huwag mo akong idamay. E RP-US pact is that…The RP-US pact says simply that when there is a declared war…E ang declare ng war kayo man ang gustong pumasok diyan. China is claiming it. You are insisting it is now an international sea while the arbitral says that is ours, entitlements. Ang ginagamit na nga ng Amerika ngayon is “international seas” iyan. It’s not even closer to what we are claiming na atin ‘yan which is validated by the award,” dagdag niya.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, tatlo sa limang air base ng AFP na tinukoy sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), kasama ang Basa Air Base sa Pampanga, Bautista Air Base sa Palawan, at lumang Lumbia Airport sa Cagayan de Oro, ay tuloy ang pagtatayo ng pasilidad.

Ang dalawang iba ay Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, at Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …