Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kolorum sa NAIA target ni Monreal

PRAYORIDAD ngayon ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na mabura sa listahan ng ‘worst airports in the world’ ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pamamagitan ng pagsasaayos ng serbisyo sa publiko at pagpapatupad ng mga alituntunin na tutugon sa mga pangangailangan bilang pangunahing paliparan ng bansa.

Sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, ipinaliwanag ni MIAA general manager Eddie Monreal na mahalagang maipatupad ang maraming pagbabago sa NAIA para maging epektibo ang serbisyo nito at maihanay sa mga premyadong paliparan sa mundo.

Binanggit nito ang pagtutuon ng pansin ng bagong pamunuan ng airport sa kalinisan sa loob at paligid ng paliparan at gayon din sa pagsugpo ng mga sistemnang hindi katanggap-tanggap sa publiko, tulad ng pag-abuso ng ilang kawani ng MIAA at mga transaksiyong ipinagbabawal pero pinababayaang umiral ng mga naunang administrasyong nangasiwa rito.

Sa mga repormang ipinapatupad ngayon sa NAIA, nagresulta umano ang mga pagbabago sa polisiya para maibsan ang airport delays sanhi ng crackdown sa mga carrier na sumasakop sa mga daytime slot ng ibang mga airline.

“The move to fix this problem has led to a better on time performance rate, with one local airline reporting a substantial improvement of 70 percent. The improvement is ‘a really big thing’ because it also means no air traffic congestion at the Ninoy Aquino International Airport,” ani Monreal.

Ipinagmalaki ng MIAA general manager na hindi lamang ito ang inaasahang mapapakinabangan ng publiko sa mga ipinaiiral na pagbabago sa NAIA.

“The crackdown on what has been described as ‘colorum’ aircraft is (only) one of many small steps to improve our service. We have also tapped the help of time slot coordinator Airports Coordination Australia (ACA) to rationalize and smoothen flight schedules at the NAIA toward the ideal safety threshold of 40 flight movements (takeoff and landing) per hour,” dagdag ni Monreal.

(TRACY CABRERA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …