Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Antiporda group nasa narco-list ni Duterte

012017_FRONT
ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa ang Antiporda drug group sa hawak niyang makapal na narco-list na beripikado ng intelligence community.

“You know, I said, I have to declare war. If I do not do it, we will to go to the dogs. How do you…Pulis man kayo, okay. Region II elected official: Licerio Antiporada. Barangay captain si-guro itong… Big-time pusher, member: Antiporda drug group,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa mass-oath-taking ng bagong PNP generals sa Palasyo kahapon.

Sinabi ng Pangulo, nanawagan siya sa mahigit 80 gobernador sa buong bansa kahapon na makipagtulungan sa drug war ng kanyang administrasyon.

Tulad ng kanyang pulong sa mahigit 1,400 mayors noong nakalipas na linggo ay ini-lockdown din ang mga gobernador, ipinaiwan ang kanilang mga cellular phone sa pag-iingat ng Presidential Security Group (PSG) sa Palasyo bago pumasok Heroes Hall.

012017 Duterte narco-list
MULING ipinakita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang narco-list sa mass oathtaking ng bagong mga opisyal ng PNP sa Rizal Hall ng Malacañang Palace kahapon. (JACK BURGOS)

Batay sa ulat noong 2012, si Antiporda, dating mayor ng Buguey, Cagayan, ay convicted sa kasong triple homicide na nilitis sa loob ng 12 taon at nang makarating sa Court of Appeals ay nag-inhibit ang 17 justices.

Ikinuwento rin ni Duterte na si retired police general at ngayo’y Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot ay tinabla niya nang humirit kay PNP chief, Director Ge-neral Ronald “Bato” dela Rosa.

Anang Pangulo, minura niya si Loot nang makita sa pulong ng mga alkalde at sinabi niyang guilty sa kasong treason o pagtataksil sa bayan.

“And I had the occasion, I said I talked to the mayors. Nakita ko si Loot. Hindi ako nakapagpigil. Minura ko siya. Sabi ko, you are guilty of treason. You’re once a police officer. Inasahan ka ng gobyerno, ginastusan ka ng gobyerno tapos gano’n ginawa mo sa bayan. So nagalit ako. Nandiyan siya. He wanted to — nag-usap sila ni Bato. Unforgiveable ‘yung ganoon e. Hindi ko maisip… I cannot reconcile how you can be so corrupt na ang kalaban mo ang mismong tao,” anang Pangulo.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …