Monday , December 23 2024

Digong-Joma talks posibleng maudlot

POSIBLENG maunsiyami ang inaabangang pagkikita nina Pangulong  Rodrigo Duterte at Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison dahil balak bawiin ng kilusang komunista ang idineklarang unilateral ceasefire.

Sinabi ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) negotiating panel chairperson Fidel Agcaoili, maaaring hindi na matuloy ang bilateral truce sa administrasyong Duterte dahil sa mga napakong pangako ni Duterte at mga paglabag ng gobyerno sa ceasefire.

“The strong sentiment of the NDFP forces on the ground and the masses in many parts of the country is for the withdrawal of the NDFP unilateral ceasefire because of broken promises on the release of political prisoners and violations of the ceasefire by the GRP (Government of the Philippines),” ani Agcaoili.

Ang NDFP at government peace panels ay nasa Rome, Italy para sa ikatlong round ng peace negotiation mula 19-25 Enero.

“The prospect for a bilateral ceasefire agreement is growing dim,” dagdag ni Agcaoili.

Walang binanggit na espesipikong insidente si Agacoili na paglabag ng gobyerno sa tigil-putukan ngunit sa nakalipas na mga pahayag ng ilang maka-kaliwang grupo ay binatikos ang mga pandarahas ng militar sa i-lang pamayanan sa Katimugang bahagi ng Fi-lipinas.

Nagdeklara ng kanya-kanyang unilateral ceasefire ang gobyernong Duterte at NDFP noong Agosto 2016 nang magsimula muli ang formal peace talks makaraan ang limang taon mula nang maudlot ang prosesong pangkapayapaan.

Hinamon ni government chief peace negotiator Silvestre Bello III ang NDF na gawing formal ang unilateral ceasefire sa pamamagitan ng bilateral truce agreement upang magkaroon ang mga pamayanan at mandirigma nang mas ligtas na sitwasyon para sa peace process.

Giit ni Agacoili, hindi tumutupad ang gobyernong Duterte sa Comprehensive Agreement on Human Rights and International Humanitarian Law (CAHRIHL) at kahit walang ceasefire ang bawat panig ay puwede namang iusad ang mga kasunduan sa social and economic reforms, at political and constitutional reforms upang matuguan ang armadong tunggalian para makamit ang patas at kapayapan.

“Poverty and lack of real democracy are the root causes of the armed conflict,” aniya.

Ang inisyal na target na makabuo ng peace agreement ay isang taon mula nang magsimula ang peace talks sa gob-yernong Duterte o sa Agosto 2017.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *