Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina at Amanda pinagsasabong sa social media (Dahil parehong sexy at magaling sumayaw)

PAREHO naming napanood ang latest guesting ng mga sexy star na sumikat noong dekada 90 na sina Ina Raymundo at Amanda Page.

Si Ina nakasabay na mag-guest noong Sabado ang young dancer-actress na madalas mag-viral ang dance videos sa Youtube na si Ella Cruz sa #ILike show ni Tom Rodriguez, na ipinaglaban ang dalawa sa pahusayan ng pagsayaw ng millenial dance craze tulad ng Twirk It Like Miley at Trumphet.

Aba, for us kahit na 20 years younger si Ella kay Ina ay mas energetic sumayaw ang huli at kabog siya sa gilingan. Hindi naman nagpakabog kay Maja Salvador last Sunday sa ASAP ang comebacking star na si Amanda Page na bumida noon sa maraming sexy movies sa Viva at naging part pa ng “Ang Probinsyano” na isa sa blockbuster films ni late Fernando Poe Jr.

Hataw kung hataw si Amanda at nakipagsabayan talaga sa tinaguriang Dance Princess na si Maja. At dahil pareho pang beauty, sexy at mabagsik sa dance floor ay pinagsasabong nga-yon sina Ina at Amanda at pinagtatalunan ngayon sa social media ay kung sino talaga sa kanila ang Queen of Dance Floor?

Mas marami ang bumoto kay Ms. Raymundo dahil kahit may 5 kids sa foreign businessman na si Brian Poturnak compared to Amanda na isa lang ang anak, ay super hot pa rin at higit sa lahat dalagang-dalaga pa rin ang da-ting, even without make-up.

Super, super agree much gyud!

VONGGANG CHIKA – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …