Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maliliit na negosyante sa probinsiya uunahin sa pautang (Kompetensiya sa 5-6)

PLANO ng Department of Trade and Industry (DTI) na unahing pautangin ang maliliit na negosyante sa malalayong probinsya.

Kasunod ito pahayag ng Department of Justice (DOJ) laban sa 5-6 o ang sistema ng pagpapautang ng mga Bombay.

Sinabi ni DTI undersecretary Teodoro Pascua ng Consumer Protection Group, inaayos nila ang paraan kung paano pauutangin ang maliliit na negosyante.

Ang pondo ay idaraan sa micro lending institutions at ang tubo ay hindi lalagpas sa 26 porsiyento kada taon o hindi tataas sa tatlong porsiyento kada buwan.

Gayonman, inilinaw ng opisyal, hindi tuluyang pagbabawalan ng ahensiya ang mga Bombay na magpautang ng 5-6 ngunit makikipagkompetensiya ang ahensiya sa kanila.

Puwedeng pahiramin ng DTI ang mga may-ari ng small businesses mula sa minimum na P5,000 hanggang sa maximum na P300,000.

Karaniwang suki ng mga nagpapautang ng 5-6  ang maliliit na mga negosyante. Kamakailan, sa pakikipagpulong ni DFA Secretary Perfecto Yasay kay Narayanan Ramakrishnan, ang Charge d’ affaires ng India sa Maynila, siniguro niyang walang partikular na nasyonalidad o ethnic group ang target ng administrasyong Duterte sa planong pag-alis sa sistemang pautang na 5-6. Pagtitiyak ni Yasay, nais nilang mabawasan ang 5-6 activities sa bansa nang walang sino mang mape-prehuwisyo.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …