Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Joel, na-shock sa galing ni Angeline at na-amaze sa ToMiho

NAKATRABAHO na ng kung ilang beses ni Direk Joel Lamangan si Jake Cuenca kaya wala ng masabi pa ang premyadong director ukol sa galing ng aktor. Alam kasi ni Direk Joel ang kapasidad at kahusayan ni Jake na muli niyang nakita sa unang pelikulang handog ng Regal Films ngayong 2017, ang Foolish Love na mapapanood na sa Enero 25.

First time namang makatrabaho ni Direk si Angeline Quinto gayundin sina Tommy Esguerra at Miho Nishida at aminado ang director na na-shock siya sa husay ng singer/aktres. ”Mahusay pala siyang aktres, professional sa kanyang ginagawa, alam niya ang dapat niyang gawin.

”’Yung dalawa naman, si Miho at si Tom, fist time nila kaya ang ine- expect ko ay isang uri ng first timer na wala talagang alam,” anang direktor. ”But I was amazed, they were good. And they know how to follow instructions. Lalo na roon sa kissing scene.

Ang tinutukoy ni Direk Joel ay ang isang eksena na kailangang maglaplapan sina Jake at Angeline gayundin sina Tom at Miho.

“I need a torrid kissing scene. Ang sabi ko ‘Angeline, kailangan nito torrid, gawin mo na kasi kung mate-take 25 ka eh ‘di halik ka ng halik,’ so ginawa nila and they were very good. Kung ano ang hinihingi sa eksena, naibigay nila.

“Ganoon din sa dalawa (Tommy and Miho), I told them ‘ýou have to do it in one take. You really have to kiss as if you’re really lovers.’ And they did it, they did it very well,” natutuwang kuwento ng director. ”I don’t have any problem with these guys, they are professionals and good actor.”

Hindi naman itinanggi ni Miho na kinabahan siya sa pakikipagtrabaho kay Direk Joel lalo na sa eksenang halikan. ”Nakakakaba pero super mabait naman sila (mga kasamahang actor) kaya naitawid namin ng maayos. Kay direk Joel, super kinabahan ako sa kanya ng maraming beses. Pero sa bandang huli sinuportahan niya kaming dalawa (Tommy), so nagawa po namin ng maayos at nag-enjoy naman kami at maraming natutuhan.”

Marami rin daw natutuhan si Tommy sa paggawa ng Foolish Love. ”It’s a great learning experience, a great lesson in acting. Direk Joel is also amazing. I definitely thought the pressure because they are great in acting and we’’re still learning how to act.”

Ginagampanan ni Angeline ang papel ni Virginia, isang simpleng babae na dahil sa edad 30 na ay nakaiisip na baka tumandang dalaga kaya binigyang kahulugan ang lahat ng lalaking pinakikitaan siya ng maganda.  Isang artist naman si Jake na nagkaroon ng ugnayan kay Virgie dahil sa parehong pagkahilig nila sa poetry.

Tulad sa totoong buhay, magkarelasyon sina Miho at Tommy. Si Miho ay kaibigan at kaopisina ni Angeline na mahilig sa artista, love story, at naniniwala sa forever. Si Tommy naman ay mayroong family problem na sobrang insecure sa sarili.

Ang Foolish Love ay isang romantic comedy na tiyak kagigiliwan ng mahihilig sa ganitong tema ng panoorin. Mapapanood na ang full trailer nito sa Youtube channel ng Regal Films at sa kanilang Facebook page na Regal Entertainment Inc. o i-follow ang kanilang official Twitter @regalfilms, Instragram @regalfilms50 para sa iba pang updates.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …