NAG-TRENDING sa social media at usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz ang pagtu-two piece ni Nadine Lustre sa isang beach sa San Juan, La Union.
Sa Instagram account ni Nadine, ipinakita nito ang back shot photo habang naka-two-piece swimsuit na talaga namang mabentang-mabenta sa mga lalaking nakakita.
Naging instant Pantasya ng Bayan ang reel/real loveteam ni James Reid ng mga kabataang lalaki na naghahangad na makita ito sa men’s magazine lalo na nag-number 2 ito bilang most sexiest woman ng FHM 2016.
Wish nga ng mga kalalakihang nagpapantasya, sana raw ay palagi nilang makitang naka-two piece si Nadine sa pelikula at teleseryeng ginagawa.
MATABIL – John Fontanilla