Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacman, ‘di feelingero para maging susunod na Pangulo

SENATOR Manny Pacquiao supporters out there will surely kill us for saying this, pero aminado kaming hindi namin siya ibinoto sa kasalukuyan niyang puwesto noong May elections.

But the fact remains na iisa lang ang aming ”no to Pacman” vote kompara sa mga nagsulat ng kanyang pangalan sa balota, so we had to concede.

In fairness though sa Pambansang Kamao ay napapabilib niya kami sa pagiging totoo sa sarili, lalo ang pangingilatis niya sa kanyang kapasidad—or sheer of lack of it—bilang isang berdaderong mambabatas.

Kamakailan ay inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte that Pacman has what it takes para maging susunod na Presidente sa 2022. By then ay 43 years old na nga ba si Pacman at masasabing hinog na para sa mataas na posisyon?

But in all honesty, inamin ni Pacman na marami pa siyang dapat matutuhan. In short, he confessed to lacking the important presidential qualities.

Bagay na sinasang-ayunan namin, at least, hindi “feelingero” si Manny who knows himself and his limitations, kundi man ang kanyang obvious na kakapusan.

Tunay ngang kakaiba siya sa mga naglipanang politiko riyan, na huwag lang maudyukan sa pagtakbo for a higher position ay musika na sa kanilang mga tenga. Kung ‘di ba naman wala ring sariling bait ang mga ‘yon, right?

But Manny—for all his sincerity—deserves our admiration. Pasasaan ba’t darating din ang panahon para sa tama niyang paglagyan, ‘di ba?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …