Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnel, loaded with‘so much responsibilities’ daw

SABI nga, kapag gusto ay may paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan.

Kamakailan ay idinaos ang traditional Christmas party ng Entertainment Press Society (Enpress), na apat na taon na naming dinadaluhan.

Customary ang pangangalap ng mga miyembro nito ng mga raffle item.

Aaminin naming hindi kami masyadong sanay na lumapit sa mga kaibigan sa showbiz for solicitation. Nauunahan kasi lagi kami ng hiya, bukod pa sa pagkakaroon namin ng tinatawag na fear of rejection.

Pero naroon pa rin ang aming pang-unawa. Bukod sa hirap ng buhay ay abala rin sa kani-kanilang mga gawain—work-related man o personal—ang mga nasa showbiz.

This year, tatlo ang aming hiningan ng kanilang generous donation. Dalawa roon ang maagap na tumugon: si Tita Cristy Fermin at si Roy Redondo ng Joel Cruz of Aficionado.

Ilang araw pa lang ay nasa amin na ang galing kay Tita Cristy, samantalang ‘yung mula kay Roy ay inihabol niya sa venue na pinagdausan ng pagtitipon ng mga manunulat.

Sa kung anong dahilan o palusot, ang nangakong maglalaan ng panahon at papremyo na si Arnel Ignacio ay hindi nakarating. Kesyo manggagaling pa raw siya sa Pasig, may early morning flight pa kinabukasan patungong Bacolod para sa isang school building turnover (as part of his official duties bilang mataaas na opisyal ng Pagcor) at kung ano-anong alibi.

Pero sa kabila ng busy daw niyang iskedyul (na dinaig pa raw niya ang naglalagare ng tatlong pelikula, nagho-host ng TV show at may gig pa) ay panay ang assurance ni Arnel na best effort ay hahabol siya sa Enpress party.

Bago rito ay nilinaw namin kay Arnel that it was to his discretion kung ano ang kaya o afford lang niyang ibigay. Natural, choosy pa ba kami, eh, kami itong nanghihingi lang?

But let me clear this, ang lambing na ‘yon ay paraan din sana ni Arnel na suklian ang tulong namin sa kanya for all the publicity (that have seen print dito sa Hataw, sa isa pang pinagsusulatan naming tabloid at isang broadsheet) before and after he was appointed as Pagcor official.

Natapos ang Enpress party, we had already given up our hope na ni anino ni Arnel ay susulpot pa. Pero bago ang major raffle ay nagte-text pa kami sa isa’t isa.

Nang i-text namin that the party was drawing to its close, sukat ba namang itanong sa text kung ano raw ba ang ipara-raffle na major prize?

Teka, anong pakialam ng hitad na ito sa kung ano ang major raffle item at stake?

Magbibigay ba siya ng higit pa roon? Eh, mukhang sigurado kami na matatapos ang gabi na hindi siya sisipot, and we were right. Nary a soul of Arnel Ignacio “haunted” the party!

Kesyo sa tono ng text niya ay parang nanghinayang siya na hindi siya umabot, echosera rin itong si Arnel Ignacio!

Nirebyu namin ang kanyang previous text messages prior to the night of the party, “Sorry because I’m loaded with so much (sic) responsibilities…”

Naku, idagdag na rin ni Arnel sa kanyang “so much responsibilities” ang pagbalik uli sa eskuwelahan para matuto ng paggamit ng wastong Ingles, tutal naman ay pagte-turn over ng school building ang inaatupag niya.

Mag-sit in siya sa mga English classes ng mga paaralang ‘yon, ‘no!

Teka, na-overlook yata ang academic credentials ni Arnel sa kanyang appointment, hindi kaya?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …