“TUMAWAG sa akin si Joan (Walk of Fame Philippines) sabi niya isa ako sa bibigyan ng star sa Walk of Fame Philippines.” Ito ang pahayag ni Don Manolo Favis kaugnay sa pagkakalagay sa kanya sa Walk Of Fame Philippines.
Anito, ”Nagulat ako at nagtanong sa kanya kung ano ba ang naging kuwalipikasyon at napabilang ako sa mailalagay ang pangalan sa Walk of Fame Philippines at ipinaliwanag naman sa akin.
“Kaya sabi ko kausapin ko si Federico (Moreno, son of Kuya Germs) at tinanong ko rin sa kanya at ipinaliwanag din sa akin at hintayin ko na lang daw yung ibang detalye.
“Kaya hinintay ko na lang at wala muna akong pinagsabihan, hanggang sa dumating na ‘yung Dec. 1, ang araw na ini-reveal ‘yung star namin sa Walk of Fame Philippines sa Eastwood,
“Ang daming tao sigawan ng sigawan ‘yung mga taong naroon sabi ni Jennelyn.
“Noong nakita ko ‘yung pangalan ko naalala ko si Kuya Germs, sinabi ko nga na …. ‘Kuya Germs pahiwatig na ba ito? Sige dadalhin ko sa ‘yo ito at ipakikita ko ha ha ha,” pagbibiro ni Don Manolo.
“Mixed emotions ’yung naramdaman ko, naroon ‘yun siguro kaya binigyan ako kasi matanda na ako, nandoon din ‘yung feelings na nakaka-proud kasi binigyan ka ng parangal ayon sa mga naging kontribusyon mo sa radio.
“Kasabay ko pa ‘yung iba pang deserving ding mabigyan ng kanya-kanyang bituin sa Walk of Fame Philippines.”
After mabigyan ito ng bituin sa Walk of Fame Philippines ay nasundan pa ng dalawang parangal si Don Manolo at ito ay ang Outstanding Rotarian (Rotary Club Marikina) at Recognition of Welcoming Kababayan sa Muntinlupa dahil doon siya ipinanganak.
MATABIL – John Fontanilla