PERFECT timing ang pagpapalabas ng Septic Tank 2 ayon kay Eugene Domingo dahil in love at inspired ang lahat ng taong bumubuo nito mula sa artista, director, staff, at crew dahil nakapasok ito sa 2016 Metro Manila Film Festival.
Ani Eugene ”Ang ganda! Ang perfect ng timing. Ang perfect ng cast. Perfect ang script. It’s the perfect family movie this Christmas.”
Dagdag pa nito, “Mag-e-enjoy sila sa pelikula at kikiligin, kasi masaya, eh. Lalo na kung dadalhin nila ang barkada nila.
“Laugh trip siya. Dalhin mo ang family mo, barkada, boyfriend mo, girlfriend mo. Basta, kikiligin ka sa movie.”
“‘Yung ‘Septic Tank 1 is about poverty. Dito naman, crush na crush kaming lahat. Mararamdaman mo na lahat kami, in love.
“‘Yung Septic 1 kasi, naka-focus siya sa pagsali sa international film festival, sa paggawa ng indie film.
“Septic Tank 2 is connection niya sa mga mahilig manood ng romantic comedies.
“At saka, sino naman ang ‘di gustong ma-in love ‘pag nanonood ng sine, ‘di ba?”
Kabituin ni Eugene sa Septic Tank 2 sina Joel Torre at Jericho Rosales.
MATABIL – John Fontanilla