Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buo pa rin ang tiwala ni PRRD sa NBI

HINDI naman sinabi ni Presidente Duterte na sasaluhin at aarborin niya si Supt. Marvin Marcos ng CIDG.

Katunayan nga sabi nga niya, I will not interfere in the investigation of Marcos in NBI.

Malaki pa rin ang tiwala ng Pangulo sa NBI sa pamumuno ni Director Dante Gieran at malaki ang respeto niya kay DOJ Sec. Vitaliano Aguirre dahil alam ni Pangulong Duterte ang rule of law.

Tulungan natin si Pangulong Duterte sa kampanya niya laban sa droga at ang magagaling na Deputy Directors ni Director Gieran.

Pinangungunahan ni DDROS Deputy Director,  Atty. Tony Pagatpat; DDIS Deputy Director Atty. Jojo Yap; Deputy Director Atty. Jun De Guzman ng Intel; Deputy Director Atty. Ferdinand Lavin, spokesman at sa Forensic.

Si Asst. Director Luigi De Lemos at Deputy Director Joey Dolorias.

Mabuhay kayo!

***

Kung pag-uusapan ang leadership, ang sinasabi ng marami na magaling diyan ay si Sen. Migz Zubiri. Subok sa serbisyo publiko at gusto siya ng mga tao. Marami ang nagmamahal sa kanya dahil sa dami ng nagawang magaganda para sa bansa at naitulong sa tao.

Siya ‘yung taong laging nakatapak ang paa sa lupa dahil alam niya ang buhay nila.

Ang gusto niya ay nagkakaisa ang mga tao para sa ikauundlad ng ating bansa.

Halimbawa na lang sa mga ginagawa niya sa kanyang nasasakupan lugar.

Sa ngayon ay may 25,000 kooperatiba sa bansa na nagtatamasa ng mga pribilehiyo sa tulong ng RA 9520 o ang New Cooperative Code of the Philippines na inakda at isinabatas ni Sen. Migz Zubiri.

Bilib ang mga kooperatiba sa Filipinas sa ipinakitang sigasig ng ating Trabahador ng Senado.

Isa sa mga batas na hindi tinantanan ni Sen. Migz Zubiri ang New Cooperative Code of the Philippines na halos 25,000 kooperatiba ang nakikinabang ngayon.

Suportado rin niya ang Pangulo sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Galit kasi siya sa droga dahil maraming sinisirang buhay kaya sa kanyang mandato, ang droga ay pinagsisikapang tangalin sa bansa.

Isa pa umanong gusto niyang mabago ang Bank Secrecy Law. Dapat lahat umano ng nasa pamahalaan ay hindi sakop ng batas na ito. Kapag may umalingasaw umanong kabulukan ng isang opisyal o tauhan ng pamahalaan, dapat walang bisa sa kanila.

‘Yan si Sen. Zubiri, nakikita ang malasakit sa bansa kaya naman Mabuhay ka, Sen. Migz!

BOC-MICP DOING GOOD

Maganda ang nangyayari ngayon sa Manila International container Port (MICP) na nagtutulungan lahat sa pangunguna ni Coll. Jet Maronilla para maabot ang kanilang target collections.

Magaling ang kanyang mga Deputy Collector na sina Coll. Mel Pascual, Atty. Jess Balmores, Coll. Ruby Alameda at Florante Ricarte.

Magagaling sila at subok na pagsisilbi sa Customs.

Lalo nilang pinaghuhusay at pinagbubuti ang pangongolekta ng buwis para sa gobyerno.

By the way, happy anniversary pala sa inyong lahat sa MICP at pagpalain kayo ng Panginoon.

Mabuhay kayong lahat!

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Hao

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …