Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Kalayaan’ ni Awra, kinaiinggitan ni Vice Ganda

SA isang interview sinabi ni Vice Ganda na masuwerte ang batang si Awra (Mcneal Briguela) dahil sa murang edad ay nai-express na nito ang sarili, naipakikita na kung sino talaga siya.

“Ako hindi. Ang drama ko lang bahay, eskuwelahan. At hindi ako nag-i-split noong bata pa ako. Nakaiinggit nga si Awra,” sabi ni Vice nang mag-guest siya sa MOR.

Samantala, nag first day showing na noong November 30 ang pelikula ni Vice na Super Parental Guardians na dapat ay entry sa Metro Manila Film Festival pero hindi ito napasama sa Magic 8. Blessings in disguise na rin dahil sa unang araw ng showing nito’y napakahaba ng pila sa mga sinehan.

“Parang filmfest sa rami ng taong nanood. Naku, ewan ko lang  kung may pelikula na kasali sa MMFF na ganito kahaba ang pila,” sabi ng kapitbahay kong si Wilma na isa sa mga unang pumila sa first day ng showing ng  SPG.

Matatandaang last year, may intriga na kaya nag-number one ang movie ni Vice ay dahil nagkaroon ng ticket swapping/switching over Vic Sotto’s entry pero ngayon mapatutunayan na talagang Unkabogable Star si Vice dahil kasabay din niya ang movie ni Vic. Sad to say,  malayo ang agwat ng kinita sa pelikula ni Vice kaysa kay Vic.

Well, maganda na ring ‘di napasali sa MMFF ang movie na ito ni Vice. Nalaman kasi natin na mapa-MMFF man o mapa-regular showing, talagang pinipilahan ang ang isang Vice Ganda.

Ayon sa Star Cinema, nakagawa ng history ang SPG nina Vice at Coco Martin. According to them, ang pelikulang ito ang kumita ng napakalaki sa unang araw pa lang, breaking existing records.

Immaterial na rin kung sino man ang direktor nito, basta si Vice talaga ang ipinunta ng mga tao.

Congratulations kay Vice, kay Coco at sa lahat ng cast
.
MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …