MALAKI raw ang naramdamang pressure ng grupong 4th Impact ayon sa isang miyembro nito na si Almira Cercado na nakausap namin sa Sundrops Day Spa sa 5th Floor ng SM North Edsa The Block kamakailan para sa kanilang Homecoming Concert na ginawa kagabi sa Kia Theater .
Kuwento ni Almira, “May pressure po sa part na this time Filipino ‘yung audience, nasa bansa ka na magagaling ‘yung singers.
“Mas malaki ‘yung expectations ng mga tao sa amin, ‘yun ‘yung nakaka-pressure, pero ‘yung pressure na ‘yun ‘yung challenge sa amin na mas galingan pa at mas magpursige pa na maging magaling na performer.
“Thankful kami kasi maraming mga taong naniniwala sa aming kakayahan at talaga namang sumusuporta.”
Ang 4th Impact ay binubuo nina Irene, Mylene, Celina, at Almira Cercado.
MATABIL – John Fontanilla