Saturday , November 23 2024

Hindi nila nirespeto ang panlasa ng manonood — Vic sa MMFF committee

NAGSALITA na rin si Vic Sotto ukol sa hindi pagkakasama ng kanilang pelikulang Enteng Kabisote 10 and the Abangers sa mga ipalalabas na pelikula sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Sotto, wala siyang sama ng kanyang loob sa komite. ”I had mixed feelings about it, una sa lahat for the first time magkakaroon ako ng normal na Christmas, but more than that hindi naman puwedeng sabihing sama ng loob—hindi para sa akin kundi para sa mga bata.

“With all due respect sa mga namili ng pelikula for the first time for so many years. Panahon pa nina FPJ (Fernando Poe Jr.) at Dolphy, hindi nawawalan ng para sa bata,” panimula ni Sotto sa grand presscon ng Enteng Kabisote 10…noong Huwebes ng gabi.

“Naniniwala ako sa salitang respetado ko ang lahat ng panlasa ng tao.

“’Yung respeto, I am talking about panlasa. Nirerespeto ko ang panlasa ng naging screening committee. I don’t have nothing against them pero ‘pag dumarating ang Pasko mayroon tayong panlasang nagkakaisa,” giit pa ni Vic.

“Kailangang may spaghtetti at kapag medyo maluwag-luwag may keso de bola at kung maaari may lechon..’ di ba?,” paliwanag pa ng komedyante.

Ang advantage nga lang ng hindi pagkakasama ng pelikula ni Bossing Vic ay hindi na siya magiging abala masyado at mas mapagtutuunan niya ang pagsasama-sama nilang mag-anak sa Kapaskuhan.

Sampung taon nang pinasasaya ni Vic ang publiko lalo na ang mga bata sa kanyang pelikulang Enteng Kabisote na aminadong kay FPJ niya nakuha ang ideang dapat ay laging may pambatang pelikula tuwing Pasko.

“Ang masakit lang sa akin hindi nila nirerespto ang panlasa ng manonood ng pelikulang Filipino. Nirerespto ko ‘yung ‘Septic Tank’ (na pinagbibidahan ni Eugene Domingo)…si Paolo (Ballesteros para sa ‘Die Beautiful’) mismo.

“Pero nandyan na ‘yan may desisyon na at final na at unanimous.

“Sana lang nirespeto ng komite ‘yung panlasa ng Pinoy…doon lang naman ako nalulungkot. Gayunman medyo napaaga ‘yung Pasko ng mga bata. Mas magiging maaga ‘yung showing baka na umaasa akong umabot ng Pasko.”

Mas maaga ngang mapapanood ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers ni Vic handog ng OctoArts Films, APT Entertainment, at M-Zet Production. Ito’y mapapanood na sa mga sinehan sa Nobyembre 30.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *