Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

May moral ascendancy pa ba si Sen. Leila De Lima?

POWER, puso at puson ang naging pangunahing topic ng pagdinig sa Kamara kahapon.

Siyempre, starring diyan ang pitong-taon relasyon ni dating justice secretary at ngayon ay senador Leila De Lima at ang kanyang driver-bodyguard-lover na si Ronnie Palisoc Dayan.

Kung pagbabatayan ang mga pahayag ni Dayan, masasabi nating tila ‘napaglaruan’ ang kanyang puso ng ‘kapangyarihan’ at ‘pagnanasa’ ni Madam Leila.

O puwede rin namang, sinamantala ni Dayan ang ‘pangungulila’ at ‘paghahanap ng kasiyahan’ ni Madam Leila dahil kailangan niyang mangunyapit sa ‘laylayan’ ng kapangyarihan ni Madam?

Sabi nga ni Dayan, umabot sa intensity 5 ang relasyon nila ni Madam Leila. Kumbaga sa lindol, ‘yun daw ang ‘pinakamalakas’ na inabot ng kanilang loving-loving.

Kalakas naman na ‘yugyugan’ n’yan?!

Wattafak!?

‘Yan siguro ‘yung panahon na ang ‘angas’ ng arrive ni Dayan at ng kanyang utol sa Bureau of Immigration (BI), BuCor at NBI noon, lalo na kapag nakakanti ang kanilang ‘kalakaran.’

‘Yung nakita nating  itsura ni Dayan sa telebisyon kompara noong panahon ng ‘Intensity 5’ nila ni De Lima, aba ‘e malayong-malayo.

Kahit sinong tanungin mo sa DOJ, kayang sabihin kung paano umasta si Dayan noon. Daig pa ang tunay na first gentleman sa NBI, BI at sa DoJ kapag dumarating si Dayan.

Pero may kasabihan nga, “When you’re up, there’s no where else to go but down!” and vice versa.

112316-de-lima-dayan-kerwin

Kaya nang lumamig na ang relasyon biglang naging intensity 1 na lang, parang biglang nanguluntoy ang tikas at yabang ni Dayan.

Doon siguro naniklop ang yabang ni Dayan at ng utol niya. Medyo natampal nga raw niya si Madam nang mahina, sabay sabing… “Uubusin mo yata kaming mga security guards!”

Araykupo! Masakit pa sa sampal ‘yan!

Anyway, ang puna lang natin dito, bakit nagpokus ang hearing sa relasyon nina Dayan at De Lima at hindi sa isyu ng pagkakasangkot sa ilegal na droga ng dating justice secretary?

Parang pinagdikit-dikit lang ang mga kuwento tungkol sa relasyon nina De Lima at Dayan; sa illegal drug trade ni Kerwin Espinosa at  ang drug payola system para sa pulisya.

Maging ang mga mambabatas ay tila ‘nalito’ kaya nagpokus na lang sa relasyon nina Dayan at De Lima.

Parang ang napatunayan lang sa nasabing hearing ‘e ang pakikipagrelasyon ni Madam Leila sa kanyang mga security guard.

Nawala na ang isyu tungkol kina Jaybee Sebastian, Herbert Colangco, Peter Co  at sa Bilibid drug trade sa kabuuan.

‘E para saan pala ang hearing sa Kamara?!

Para lang patunayan na wala nang moral ascendancy si Leila?!

Ano ang napatunayan sa illegal drug trade?

Nganga?!

NUJP NAKAPAGPATAPOS NG MGA ANAK
NG MGA MAMAMAHAYAG NA BIKTIMA
NG MAGUINDANAO MASSACRE

112516-nujp

SA 64 scholars ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), 24 ang anak ng mga pinaslang na mamamahayag sa Maguindanao massacre.

Isa sa kanila si Jether Montano, ay nakapasa sa nakaraang CPA licensure exam. Siya ay anak ni Mariel Montano, isa sa 32 mamamahayag na minasaker noong 23 Nobyembre 2009.

Lahat ng scholar ng NUJP ay tumatanggap ng P3,000 monthly allowance at P8,000 tuition fee kada semestre.

Bukod sa pagbibigay ng financial assistance para sa pag-aaral ng mga bata, tinitiyak ng NUJP na nadadalaw nila ang mga beneficiary kada buwan.

Kumbaga, tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng NUJP sa kanilang beneficiaries bilang pagtitiyak na hindi mauuwi sa wala ang ginagawa nilang pag-alalay sa mga biktima.

In short, hindi ‘drawing’ at ‘papogi’ lang ang kanilang pagtulong kundi may kalalagyan na talagang  mabuti.

Mabuhay ang NUJP!

Nawa’y hindi kayo magsawa sa pagtulong sa mga anak ng mga mamamahayag na minasaker sa Maguindanao.

APAT IOs ITINAPON NA
SA BORDER CROSSING!

082616 immigration passport plane

Tuluyan na raw umaksiyon si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente kasama ang Chief ng BI Ports Operations Division na si Marc Red Mariñas para kastigohin ang apat na immigration officers na sina Niño Oliver Dato, Xander Mark Galera, Kyle Velasco at Alperson Peralta.

Agad silang ini-relieved sa pagiging immigration inspectors matapos umanong mahuli na nagpapalusot ng pasaherong overseas Filipino workers (OFWs) patungo o planong tumalon sa highly restricted countries gaya ng Lebanon, Libya, Korea at marami pang iba.

Naging habit na raw ng nasabing primary inspectors na paraanin sa kanilang immigration counters ang kanilang kliyenteng OFWs kahit wala o salat sa dokumento gaya ng Overseas Employment Contract (OEC) na magpapatunay na legal ang paglabas nila ng bansa.

Sabay-sabay silang itinapon sa mga border crossing stations papuntang Taganak, Batuganding, Tibanban at Balabac kasabay ang pagharap sa mga administrative cases sa BI Board of Discipline.

Kung mamalasin pa ay may kasama pang asunto ng human trafficking na posibleng isampa ng IACAT laban sa kanila!

Magandang sampol ito sa lahat ng immigration officers.

Nawa’y magsilbing aral sa mga patuloy pang susuway at magtatangkang magpalusot para lang kumita sa hindi malinis na paraan!

Pinatunayan din ni Commissioner Morente at ni POD Chief Red na hindi nila palalampasin ang ganitong klaseng aktibidad na lihis sa gustong pagbabago ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Para kina BI Commissioner Bong Morente at POD Chief Red Mariñas, kasangga n’yo kami pagdating sa bagay na ito!

BALIK-KOTONG
SA UN AVE. VENDORS

GOOD am Sir, sumbong ko lang po nag-umpisa n naman ‘yang MPD mangotong sa mga vendors sa UN ave. Sana makarating kay -yor pa-erap.

+63922677 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *