Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Motorcycle lane policy ubra kaya?

Dragon LadyMuli na namang ipinatutupad ang Motorcycle Lane Policy ng MMDA.

Mahigit sa 200 riders ang nahuli sa unang araw ng arangkada nitong Lunes. Bumabagtas ang nahuling riders sa EDSA, C-5 Road, Commonwealth Ave., at Macapagal Avenue.

Katuwang ng MMDA ang mga miyembro ng Motorcycle Federation of the Philippines (MCFP) sa unang araw ng operasyon laban sa mga pasaway na motorista. Layunin ng ipinatutupad na Motorcycle Lane Policy na gumaan ang daloy ng mga sasakyan at para rin sa kaligtasan ng riders.

Sa datos ng MMDA, ang pinakamataas na bilang ng aksidente ay kinasasangkutan ng mga motorsiklo, na kadalasan nauuwi sa kamatayan.

Ayon kay MMDA Chairman Tim Orbos, maghihigpit sila sa pagpapatupad ng Motorcycle Lane Policy at iba pang polisiyang pinatutupad ng ahensiya na may kaugnayan sa pagmamantina ng trapiko sa Metro Manila.

Sa itinakdang Motorcycle Lane Policy, bawal ang swerving sa mga motorsiklong napakahilig sumingit-singit. Huhulihin sila ng mga enforcer. Ayon kay Orbos, kailangang kompleto ang safety gear ng mga rider

kapag babagtas sila sa mga major thoroughfare. Bawal ang mga rider na naka-shorts at naka-tsinelas.

***

Ngunit may katanungan na dapat sagutin dahil sa bahagi ng Commonwealth kadalasan ang aksidente ay dahil tumatawid ang riders sa kalye. Dapat siguro sa magkabilang lane kaliwa at kanan ay lagyan ng motorcycle lane. Kung nasa bahaging kanan ang linya, paano kung sa kaliwa ang pupuntahan ng riders, hindi ba puwedeng tumawid?

***

Suhestiyon naman ng iba nating readers ay mas dapat na higpitan ang pagkakaroon ng safety gears ng riders, at mahigpit na ipagbawal ang kawalan ng helmet ng at ng angkas. Bigyan din ng sentro ang pagkakaroon ng dalawang angkas na kadalasan ay anak na maliit ang sakay-sakay na nakaupo sa gitna. Maganda ang layunin ng Motorcycle Policy Lane, ngunit dapat siguro ay pag-aralan mabuti ang pagpapatupad nito. Baka imbes mabawasan ang aksidente ay mas dumami pa!

***

Dapat ay hindi lamang sa mga pangunahing kalsada pairalin ang pagkakaroon ng safety gears, maging mga tricycle ay ipagbawal sa mga pangunahing kalsada. Halimbawa sa Roxas Blvd., sa hatinggabi maraming mga kuliglig mula sa Divisoria na nagrarasyon ng gulay ang bumabagtas sa kahabaan nito.

Napuna ito ng isang balikbayan na kaibigan ko, isa lang ang aking sagot: ONLY IN THE PHILIPPINES!

Isumbong mo kay Dragon Lady – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …