Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Career ni Daniel, Ini-Level-Up (Karisma, ‘di na pang-masa lang)

MUKHANG nagle-level up na naman si Daniel Padilla. Lumalabas siya ngayon sa mga cover ng mga glossy magazine na alam naman nating ang target audience ay hindi masa kundi iyong A-B crowd na tinatawag. Ibig sabihin naniniwala rin sila na si Daniel ay may batak kahit na sa A-B audience, dahil kung hindi bakit nila gagamitin ang aktor sa cover ng mga magazine na iyon?

May isa pang advantage na nakikita kay Daniel lately. Napapansin ng mga kritiko ang pag-level up din ng kanyang acting. Habang ang mga kasabayan niya ay hindi pa nakaka-graduate sa pagpapa-cute, si Daniel mukhang napupuna na ang abilidad sa pag-arte. Magandang feedback iyan.

In fact doon sa huli niyang pelikula, hindi na pinag-uusapan kung gaano siya ka-cute, o kung gaano sila ka-sweet ng kanyang ka-love team. Ang pinag-usapan ng mga nakapanood ay ang kanyang acting. Hindi namin napanood ang pelikulang iyon, dahil sa kahihintay naming lumuwag ang mga sinehan, nakaligtaan na namin at hindi na napanood. Pero ilang buwan lang naman, may video na iyan, kaya siguradong mapapanood din namin.

Siguro nga kailangang aminin natin na may panahong nagkamali sila ng diskarte sa career ni Daniel at medyo bumaba ng kaunti ang kanyang popularidad, pero ngayon ay unti-unti na nga siyang nakababawi at lumalabas na lumalamang pa siya sa kanyang mga kasabayan.

Susubukan naman daw nila ngayon kung ano ang mangyayari kung aalisin muna ang kanilang love team. Gusto nilang mapatunayan kung tatayo ang career niya ng walang love team. Palagay naman namin, kaya ni Daniel. Kasi sa nakikita naman namin, marami siyang  fans na walang pakialam kung sino man ang kasama niya sa pelikula. Basta para sa kanila si Daniel lang tama na.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …