Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacquiao handa kay Vargas

KUMPLETO na ang paghahanda ni Manny Pacquiao para sa kanyang WBO welterweight fight kay champion Jessie Vargas sa Thomas and Mack Center sa Linggo (Manila time).

Marami ang nag-aabang kung anong klaseng istilo ng laban ang gagamitin niya kontra Vargas.

Ayon sa mga nakapaligid kay Pacquiao, ang istilo ng laban na gagamitin niya ay yung ginawa niya sa laban kina boxing legend Oscar De La Hoya at Antonio Margarito.

Ito’y dahil sina De La Hoya at Margarito ay katulad ni Vargas na matangkad at mahahaba ang braso.

May taas na 5’10″ at reach na 71″ si Vargas kumpara sa height ni Pacquiao na 5’6″ at 67″ (reach).

“Dapat ako ang magdikta ng laban dahil matangkad siya,” ani Pacquiao. “May tatlong fight plans kami for him (Vargas), dahil he is young and strong champion.”

Alam ni Pacquiao ang galaw ni Vargas kaya hindi niya puwedeng maliitin ang kakayahan ni Vargas. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …