Monday , December 23 2024
ronald bato dela rosa pnp

26,000 assault rifles para sa PNP pinigil ng US

IPINAUUBAYA ng Palasyo sa Philippine National Police (PNP) ang pagbibigay ng opisyal na pahayag sa ulat na ipinatigil ng US State Department ang planong pagbebenta ng 26,000 assault rifles sa PNP.

Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., hindi siya pamilyar sa isyu kaya’t si PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang dapat magbigay ng pahayag.

“Let Bato make the first comment. Am not familiar with the deal,” ani Esperon.

Batay sa report ng Reuters, ipinatigil ng US State Department ang balak na pagbebenta ng 26,000 assault rifle sa PNP bunsod nang pagtutol ni Sen. Ben Cardin, ang top Democrat sa Senate Foreign Relations Committee, sanhi ng mga isyu ng human rights violations sa Filipinas.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, wala pang natatanggap na official notice ang PNP hinggil sa nasabing isyu.

Aalamin aniya ng PNP kung sinong supplier ng PNP ang bibili ng armas sa Amerika.

Sakali aniyang ayaw ni Uncle Sam na magbenta ng mga baril sa Filipinas ay may iba pang bansa na puwedeng bilhan ang supplier ng PNP dahil ang basehan sa pagbili ng armas ay specifications at hindi ang bansang nagmanupaktura.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *