Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, kimi sa pagsasalita ukol sa lovelife

“NAPAKALAKING tulong nito sa career ko,” pag-amin ni Kim Domingo sa launching ng Ginebra San Miguel Calendar Girl 2017 sa Sequoia Hotel kamakailan.

Ang GSMI kasi ang kauna-unahang big endorsement ni Kima kaya naman sobrang laki raw ang maitutulong nito sa kanyang career lalo’t siya ang bread winner sa pamilya niya.

Ani Kim, puwede pa rin siyang mag-pose sa mga men’s magazine bagamat wala pa namang offer na dumarating uli pagkatapos niyang mag-pose December 2015. ”Okey lang naman ‘wag lang sobrang hubad, ‘yung lang ang limitations, outfits wala naman akong arte roon.”

Nang matanong naman ukol sa lovelife si Kim, tila kimi ito sa pagsagot ukol sa napapabalitang basketball cager BF.

“Basta happy po ako okey na po ‘yun hahaha.”

Na sinundan pa ng katanungan ukol sa kung ano ang reaction ng BF nito  sa mga sexy pictorial niya sa GSMI calendar. ”Happy po, happy po lahat.”

Bagamat ganito ang mga sagot ni Kim, sinabi nitong “Hindi ko idine- deny at hindi ko naman masyadong ibinubulgar,” nang tanungin kung open ba siya sa kanilang relasyon. “So ‘yung sa akin, pangsarili kong kaligayahan happy ako, okey na ako roon.”

Natanong din si Kim kung pinagbabawalan ba sya ng management na pag-usapan ang kanyang lovelife. ”Basta happy po ako hahaha,” muling sagot nito at sinabi pang, ”Actually wala naman po (pagbabawal). Sa akin na po mismo nanggaling ‘yun, personal po.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …