Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, pressured bilang bagong Ginebra San Miguel Calendar Girl

AMINADO si Kim Domingo na malaking pressured sa kanya ang pagiging Ginebra San Miguel Calendar Girl.

“Sobrang pressured kasi the past calendar girl tulad nina Soleen Heussaff, Marian Rivera, sobrang nagse-seksihan. So talagang itong calendar na ito pinaghandaan kong mabuti. Ayokong may masabi ang ibang tao o mapahiya ako,” ani Kim sa grand launching ng GSMI kahapon sa Sequoia Hotel.

Ani Kim, malaki ang ipinayat niya ngayon dahil talagang pinaghandaan niyang mabuti ang pictorial ng calendar. “Nag-gym ako kasi nga po madali akong tumaba, madali ring pumayat, tapos sabay diet.

“Malaki ang paghahanda ko rito at itutuloy-tuloy ko pa siya. ‘Till now nagwo-work out pa rin ako,” sambit ng dalaga na ang kuwento sa buhay ay isang inspirasyon sa bawat Filipinong ‘Ganado sa Buhay’.

Hindi ikinaila ni Kim na sobra ang saya niya nang malamang siya ang magiging GSMI calendar girl for 2017. “Sobrang saya. Unexpected. Sa rami ng pinagpilian ako na baguhan pa lang sa showbiz at mas marami na matagal na sa industriya at siyempre mas sexy sa akin…kasi I dont consider myself na sexy.

“At sino ba naman ang tatanggi para maging isang calendar girl ng isang kilalang produkto noon hanggang ngayon. Ako po sobrang saya ko talaga,” anito pa na nag-umpisa bilanmg isang batang kalahok sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga. Nasundan ng pagsali sa iba’t iba pang mga talent reality competition at kalauna’y naging modelo.

At para maipakitang Ganado sa Buhay si Kim sinabi nitong, “Sa rami ng  pinagdaanan ko sa buhay ko nananatili akong Ganado sa Buhay basta, nag-focus ako sa goal ko at ayun basta tuloy lang, go with the flow.”

Samantala, dream makapartner ni Kim si Bossing Vic Sotto. “Ang gusto ko talaga makapartner si Bossing Vic. Nag-Little Miss Philippines po ako. Siya ‘yung tumatak sa akin kasi isa siya sa nag-interview sa akin pero hindi ko na matandaan ang itinanong n’ya sa akin.

“Siya ‘yung gusto ko maka-partner like sa ‘Enteng Kabisote’ every year iba-iba ang leading lady niya parang one day gusto ko mapabilang ako sa mga leading lady n’ya. Kasi iba ‘yung impact ni bossing,” sambit pa nito sabay sabing hindi siya natatakot maintriga kung sakali dahil, “Ang mga intriga po hindi ko na iniintindi. May gawin kang tama, may gawin kang mali, iintrigahin ka pa rin. Kaya deadma na lang ako.”

Sinabi pa ni Kim na ngayong siya na ang calendar girl ng GSMI, nilu-look forward niya ang makilala ang basketball team ng Ginebra.

“Very excited ako talaga. Gusto kong mapanood ng live ang laro ng Ginebra at makilala ko pa ‘yung mga taong nasa likod ng Ginebra. Excited din ako sa paglibot sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas, ‘yung events po nila kasi makaka-bonding ko mga Ginebra San Miguel lovers, kaya sobrang excited din ako.”

At nang tanungin kung sino ang favorite player ni Kim sa Ginebra. “Parang lahat yata, kasi lahat sila magagaling talaga, ‘pag Ginebra players, lahat sila magagaling para sa akin.”

Sa kabilang banda, limang layout ng kalendaryo ang inilabas ng Ginebra at lahat ay may temang “Cheeky and Geeky” na nagpapakita ng ‘fun at quirky side’ ni Kim.

At ang pinaka-favorite ni Kim sa lima ay ang—‘yung parang baker pose. “Nakita ko ang lahat ng picture at sa lahat ng layout gusto ko ‘yung baker post kasi ‘yung mukha ko roon ;yung pinaka-half lang parang walang problema, sobrang saya, natural lang, parang sa totoongg buhay happy lang ako.”

Ang Ginebra San Miguel ay mahigit 180 taoin nang tinatangkilik ng mga Pinoy. Ito rin ang nananatiling no. 1 gin sa buong mundo, ayon sa nangungunang drinks journal na Drinks International. Bukod sa Ginebra San Miguel, ang iba pang produkto ng GSMI ay ang GSM Blue, GSM Blue Flavors, Ginebra San Miguel Premium Gin, Don Enrique Mixkila, Antonov Vocka, Vino Kulafu, at Primera Light Brandy.

Kahanay na ngayon si Kim ng mga nagdaang GSMI calendar girl na sina Ellen Adarna (2015), Marian Rivera (2009 at 2014), Georgina Wilson (2013), Solenn Heusaff (2012), Anne Curtis (2011), at Arci Munoz (2016).

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …