AKALAIN n’yo nga naman n?!
Habang ang lahat ay nakatutok sa malaking issue tungkol sa droga, pitsaan, VIP kubol treatment at tarahan sa National Bilibid Prison (NBP) ay may isang lugar diyan sa Bicutan na inia-apply din pala ang ganitong sistema.
Putok na raw ang alingasngas tungkol sa isang VIP KUBOL diyan sa loob mismo ng Bureau of Immigration (BI)-Warden’s Bicutan Facility sa nangyayaring proteksiyon sa isang nakakulong na Bulgarian national.
Aba, style-Colangco at Sebastian pala ‘yan ha?!
VIP treatment daw ang ibinibigay sa nasabing detainee na kontodo air-conditioned room pa ang loko!
Hindi lang ‘yan. Meron din siyang cellphone, laptop at iba pang mga pribilehiyo na alam nating ipinagbawal noong panahon pa ni Comm. David Dayunyor!
Malaya rin nakagagamit ng cellphone (if the price is right) ang ibang mga dayuhan na nakakulong doon.
Sonabagan!!!
Pero bakit ganoon na lang kaluwag sa Bulgarian ang mga bantay sa BI Warden’s Facility?
May nagsabi na bawal daw pakialaman ang nasabing dayuhan dahil may isang alias Butatamante raw ang padrino ng nasabing Bulgarian?!
Wattafak!
Magkano ‘este anong meron sa nasabing preso at ganoon na lang katindi ang ibinibigay na proteksiyon at pribilehiyo sa kanya?!
Sino ba ang sinasabing alias Butatamante na ‘yan!?
Organic Immigration personnel ba siya o isang C/A lang?
Bakit tila wala yatang magawa ang warden doon na si Intelligence Officer Erwin Ortañez?
Masyado bang maasim si alias Butatamante sa mga bossing sa Immigration?
I‘m sure hindi magugustuhan ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre kapag nalaman niya na sa mismong bakuran niya ay may nagaganap na protection racket!
CALOOCAN CITY MOST
BUSINESS FRIENDLY LGU
Kahit sino ay hindi magkakaroon ng dahilan para pasubalian ang katangiang ito ng Caloocan City.
Bagamat hindi pa sila ang nagwawagi, naniniwala tayo na mabibilang sila sa unang tatlong lungsod na business friendly.
Kahit sino ang makausap natin sa hanay ng ilang mga kaibigang negosyante, iisa lang ang masasabi nila — napakagaling umalalay ng Caloocan sa mga negosyante.
Lalo na kung nagsisimula pa lamang ang isang entrepreneur.
Mula sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) makikita ang mga Caloocan city hall employees na walang reklamo, mapitagan at laging nakangiti sa kanilang pag-aasikaso sa mga aplikante.
Kaya magtataka pa ba kayo kung maraming nahihikayat si Mayor Oca Malapitan na mag-invest sa kanilang lungsod?!
Katunayan, hindi bababa sa 2,000 ang mga bagong negosyanteng nakatala sa Caloocan BPLO.
Kung nais talagang umunlad ng isang bayan o lungsod, ang unang dapat gawin, ay alalayan ang mga makatutulong na iangat ang ekonomiya ng lungsod.
At ‘yan ang ginagawa ni Mayor Oca.
At habang nakikita ng mga investor na nakatutulong sila para palakasin naman ang purchasing power ng mga mamamayan ng Caloocan, lalo naman silang natutuwang mag-invest.
Ibig sabihin, ang mga negosyante na nagbibigay ng trabaho ay tinatangkilik din ng mga nabibiyaan bilang consumer.
Kung mayroong maayos na producer-supplier-consumer relationship sa isang bayan o lungsod, tiyak ang pag-unlad ng ekonomiya.
Isa nga riyan ang Caloocan…
Kudos, Mayor Oca Malapitan!
PAGLILINAW SA ISSUE NG STA. ANA
MARKET STALLHOLDERS
Sir: