Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, na-attract pero never na-inluv sa gay

INIHAYAG ni Anne Curtis na hindi pa siya nai-inlove sa isang gay men. Ito ang sinabi niya kay Boy Abunda nang mag-guest siya sa Tonight With Boy Abunda noong Huwebes ng gabi para sa promotion ng Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? na mapapanood na sa October 19 mula sa The IdeaFirst Company Production for Viva Films. Makakasama ni Anne rito sina Dennis Trillo at Paolo Ballesteros.

Ang comedy flick na Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? ay tungkol sa isang babaeng nagkakataong nai-inlove sa gay men. Kaya naman natanong din ni Kuya Boy si Anne kung nakare-relate ba ang aktres sa kanyang karakter sa pelikula.

“I haven’t fallen in love (with gay men). Pero ang totoo kasi, marami na talagang guwapo ang may boyfriend so hindi lalayo na maa-attract ako. Iyong hair stylist ko, guwapo iyon. Pero siyempre, he has a boyfriend. Ang dami talaga. So it’s more of I’m attracted pero hindi pa ako nai-in love.”

Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagsama ng Viva Films ang tatlo para sa kakaiba at nakatutuwang istorya ng pag-ibig sa pinakabago nitong handog na romance-comedy ng taon na obra ni Direk Jun Lana.

Gagampanan ni Anne ang papel ni Kylie, ang babaeng akala mo’y isinumpa dahil sa pagkakaroon ng mga beking ex-boyfriends. Halos lahat ng relasyon niya, nauuwi sa wala dahil nga hindi babae ang hanap ng kanyang mga ex, kundi guwapo’t machong mga lalaki rin.

Ang pinaka-tag kay Kylie? “Cover Gil” ng mga klosetang beki.

Si Paolo naman si Benj, ang pamintang best friend ni Kylie na nagbababad sa gym pero ayaw pang magladlad.

Kababata naman ni Benj si Diego, na ginagampanan naman ni Dennis, ang lalaking gagawing misyon ni Kylie.

Sinasabing ang official teaser ng Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend?! ang pinakamaingay sa social media ngayon. Usap-usapan ito sa netizens mula nang ilunsad ng VIVA Films noong nakaraang buwan.

Sa loob ng 24 hours matapos itong ma-upload, nagkaroon kaagad ito ng 2.8 million views at so far, may lagpas 4.9 milyon nang hits sa official FB account ni Anne.

Kasama rin sa pelikula sina Yam Concepcion, Michael De Mesa, Donnalyn Bartolome, Prince Stefan, Alma Concepcion, Yayo Aguila, Joross Gamboa, Lou Veloso, Will Devaugn, Sinon Loresca, Patricia Ysmael at marami pang iba.

Kaya ‘wag magpahuli! Alamin ang kasagutan sa tanong ng bayan sa pagbubukas sa mga sinehan ng pinaka-pinag-uusapang romantic-comedy ng taon, Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend?!, sa Oct. 19 mula sa VIVA Films.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …