Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual
Piolo Pascual

Piolo, nahihirapan nang matulog ng walang katabi

NATAWA naman kami sa tinuran ni Piolo Pascual nang makausap namin ito sa presscon ng SunPiology Run: Sugar Wars kamakailan sa Sofitel Hotel. Naiinip na rin daw siya sa kung kailan siya makapag-aasawa.

Paano naman kasi, zero pa rin ang kanyang lovelife hanggang ngayon. Sa guwapong iyon ni Piolo ha, tila hirap at wala siyang oras para makapaghanap ng girlfriend.

Kaya naman daw hirap siyang makatulog sa gabi, pabirong tsika pa ngSun Life ambassador for eight years.

“Seriously,” anito, ”well, “I’ve come to a point na I don’t look for it anymore, as much as I don’t have time for it. I just enjoy life and I still have so many things I wanna do, so if it comes, it comes and it comes soon when it comes.”

At dahil aktibo nga siya sa mga wellness and fitness thing, hindi imposible na roon siya makahanap ng GF.

“Ideally, yeah. I remember before, kapag mayroon akong nagiging girlfriend, it’s either I buy her a bike or I invite her to run because it’s my regular activity so we do things together.

Samantala, excited si Piolo sa ikawalong taon niya sa SunPiology. ”I’m just really excited because it gets better every year, and it’s always nice to run for a cause” giit pa ng actor bukod pa sa marami silang natutulungan sa campaign na ito.

Bukod kay Piolo, makakasamang tatakbo ni Piolo ang ibang Star Magictalents tulad nina Gerald Anderson, Xian Lim, Jessy Mendiola, Ejay Falcon, Hashtags at marami pang iba.

Bukod sa Sunpiology Run, inilunsad din si Piolo bilang isa sa ambassador ng bagong health protection product ng kompanya, ang Go Well.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …