Monday , December 23 2024

Bitbit ni Digong na big business delegation makatulong kaya sa ekonomiya?

ILANG kaibigan sa business sector ang nakahuntahan ng inyong lingkod sa coffee shop kamakalawa.

Bago tayo maimbitahan sa kanilang mesa ‘e narinig na nating pinag-uusapan nila ang malaking business delegation sa China trip ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Isa ang nagpahayag ng kanyang labis na pagtataka kung bakit napakalaki ng business delegation na bitbit ni Digong sa China.

Kasama ba sila sa manghihikayat sa malalaking Chinese investors na magnegosyo sa bansa?!

Sabi naman ng isa pa, makabubuti raw sa ekonomiya kung makahahatak ng malalaking Chinese investors na maglalagak ng kanilang salapi sa bansa.

Masarap pakinggan ang sinasabi nila. Isang magandang pangarap.

Wala namang masama roon, libreng-libre ang mangarap.

Sa totoo lang, ang kilala nating malalaking Chinese investor sa bansa ay si Mr. Henry Sy & Mr, Gokongwei na kinikilala ng Forbes.

090916-duterte

Maliban sa dalawa, karamihan ng mga Chinese na nagpupunta sa bansa ay hindi malalaking negosyante kundi ‘yung mga retailer sa Divisoria, shabu chemist at mga junket sa Casino.

Wala tayong nakikitang Chinese investor na nangangakong tutulong na patatagin ang industrialisasyon sa ating bansa.

At bakit nila gagawin iyon, gayong ang mura ng labor force sa China.

Dito sa bansa, nanatili ang labor unrest dahil hindi sapat ang kinikita ng isang manggagawa kahit naaayon pa sa batas ang pasuweldo.

Mahal ang elektrisidad na labis na nagpapahirap hindi lang sa mga investor kundi maging sa local businessman.

Sana lang ay walang hidden agenda o vested interest ang ilang businessmen na sumama sa biyahe ng Pangulo.

Mukhang ang tingin natin, it’s the other way around.

Hindi kaya sila ang naghahanap ng oportunidad na makapagnegosyo sa China?!

Tanong lang naman ‘yan…

Pero wish talaga natin, sana hindi nga ganyan ang layunin nila.

Bon voyage!

DALAWA ANG “MAYOR”
SA AGDANGAN, QUEZON!?
(ATTN: SILG MIKE SUENO)

101616-agdangan-quezon

Sunod-sunod na reklamo ang nakarating sa atin kaugnay sa nararanasan ng mga residente ngayon sa isang munisipalidad sa CALABARZON Region 4-A.

Base sa sumbong, naguguluhan daw ang mga taga-AGDANGAN QUEZON sa pamamalakad sa kanilang bayan dahil parang dalawa umano ang kanilang Mayor?!

Wattafak!?

Ang incumbent Agdangan Mayor Radam Aguilar ay asawa ni ex-Mayor  Madame Vecinta Aguilar pero mukhang ang mas nasusunod at nagpapalakad sa Munisipyo ay si ex-Mayora?!

Ganern!?

Madalas kasi, cannot be reached daw si Mayor Radam sa kanyang opisina?!

Hindi kaya status symbol lang si Mayor at si ex-Mayora talaga ang kumukumpas sa kanilang munisipalidad?

Kaya raw very happy at feel na feel pa ang kanyang bagong opisina sa bagong municipal hall ni ex-Mayora.

Hinaing ng mga residente kapag nagpupunta sila sa Mayor’s office ay sinasalubong sila ng staff at tatanungin sila kung sinong Mayor ba ang hinahanap nila?!

Si Mayor ba o si Mayora?

Anak ng tokhang!!!

By the way, totoo ba Mayor Radam na madalas ka raw magpunta sa Tagaytay?

Ano ba ang ginagawa mo talaga riyan Mayor?

May ka-meeting? Kumakain, nagpapalamig, pumipindot o pumipinta?

Talamak pa rin daw ang jueteng sa inyong bayan, Mayor!?

Hihintayin po namin ang inyong paliwanag, Mayor Radam Aguilar!

MANYAKOL NA IMMIGRATION ACO
NABIGYAN PA NG MAGANDANG POSITION!
(ATTN: SOJ VITALIANO AGUIRRE)

082516 interrogation immigration

Sari-saring feedbacks ang ating natanggap matapos ilathala ang reklamo ng isang Immigration Officer (IO) tungkol sa alleged sexual harrassment na kanyang naranasan sa isang manyakol na Immigration Alien Control Officer (ACO) noon sa isang field office riyan sa Southern Luzon.

Noon pa raw ay naikukuwento na ng nasabing IO sa kanyang batchmates ang mga panggigipit sa kanya ni manyakol ‘este ng ACO para lang mapilitan makipag-date sa kanya.

Tigas-tanggi raw ang kaawa-awang IO dahil alam naman ng kanyang boss na siya ay isang pamilyadong empleyada.

Pero tuloy pa rin daw ang indecent proposals ng damuhong ACO mairaos lang ang kanyang makamundong pagnanasa sa IO.

Wattafak?!

Sa ngayon daw ay nalipat at nabiyayaan pa sa isang subport diyan sa Central Luzon ang nasabing bogling ACO kasama ang kanyang bagong “apple of the eye” na isa rin contractual employee ng Immigration?!

Grabeh na ‘to!

Wala bang background check na ginagawa si Immigration Commissioner Jaime Morente sa mga taong binibigyan niya ng juicy position?!

I guess Commissioner Morente should try to investigate this matter dahil balita na may ilang members daw ng “Gabriela” at Concerned Citizens for Women na gustong pakialaman na ang nasabing kasong ito!

RAKET SA STA. ANA MARKET
(ATTN: YORME ERAP)

GOOD day po sir Jerry, hingi po kami ng 2long ung puesto po namin sa Sta. Ana Market. Hindi pa po naibigay un isa store stall holder po iyan. Bayad po taon-taon, mayors permit. Ngayon po lilipat na sa Xentra mall ang public market ng Sta. Ana. ‘Yun ibang wala stall o mayors permit nagkaroon po ng puwesto sa loob ng Xentra Mall kami stall holder, bayad ng mayors permit wala pa po un isa stall namin. Halata pera-pera na naman ginagawa ng opisyales sa Sta. Ana market. Bentahan cla ng puesto. Sana matulungan po ninyo kami maibigay ung isang stall namin. Wala po kami panlagay, nagbabayad po kami ng buwis. Sana po matulungan ninyo kami maibigay po sa amin ung isa stall po. Dami kuropsiyon sa market admin. Totoo lang biktima aq jan ng isa market master na asign jan. Ibe nebenta nila mga puesto jan. Pa’no d malaman ‘e hndi naman lehitimo tindera o tindero sa Sta. Ana market nagkakaroon ng puesto. Sana po maaksiyonan kuropsiyon jan sa public market. Dami pinepera ng opisyalesna corrupt po jan. Mga walng puesto nagkroon, ung iba dumami. Kami mga bayad ang permit nawalan po ng puesto walang silbi asosasyon lahat mukha pera. Marami po salamat sa tulong ninyo. Pls wag po ipublish no. q tnx po.

+63909796 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *