Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael, puring-puri si KC

00 SHOWBIZ ms mNAPAKA-BLESSED ni Michael Pangilinan pagdating sa kanyang career. Bukod sa kabi-kabila ang kanyang raket, inilunsad naman noong Sabado ang kanyang self-titled album, Michael under Star Music.

Bukod sa magandang career, maligaya pa ang kanyang lovelife. Naikuwento kasi ng mabait na singer na nagkakilala na sila ng mga kapatid ng kanyang girlfriend na si Garie Concepcion.

Ani Michael, nag-dinner sila ni Garie kasama ang mga kapatid nitong sina KC Concepcion at Cloie Skarne.

Aminado si Michael na medyo nailang siya sa pangyayaring iyon. “Medyo may kaba rin kasi first time mong makasama ‘yung family niya, ‘yung sisters niya,” pagbabahagi nito. Pero naging okey na rin siya dahil may kakulitan, kakengkoyan, at mababait daw ang mga kapatid ng kanyang GF.

Puring-puri rin ni Michael ang pagiging responsableng ate ni KC pati na rin ang payo nito kay Garie.

Looking forward naman si Michael na makilala ng personal ang ama ni Garrie na si Gabby Concepcion.

Samantala, may 12 tracks ang album ni Michael na mayroong apat na covers, apat na originals, at apat na bonus tracks. Ang carrier single  nito ay ang Hanggang Kailan na aniya’y ikinokonsidera niyang national anthem ng mga broken hearted.

Kasama rin sa album ang Pare Mahal Naman Kita, na sagot sa una niyang hit song na Pare Mahal Mo Raw Ako. Ito’y prodyus ni Rox Santos at mai-stream na sa Spotify.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …