Saturday , December 21 2024

Tagumpay sa unang 100 araw

MASASABING mata-gumpay ang unang 100 araw sa puwesto ni President Duterte, kung ibabatay sa resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Nakakuha ang Pangulo ng net satisfaction rating na plus 64 porsiyento, na maituturing na “very good” sa SWS ratings.

Nahigitan nito ang nakuha ni dating President Noynoy Aquino na plus 60 sa survey noong 2010. Mas mataas din ito sa plus 24 percent na nakuha ni dating President Arroyo noong 2001. Tanging si dating President Ramos lamang ang nakakuha ng plus 66 percent noong 1992.

Maliwanag na ang karamihan sa 1,200 nakapanayam sa SWS  survey ay kontento sa pamumuno ni Duterte.

Patuloy silang sumusuporta sa Pangulo sa kabila ng masalimuot na tatlong buwan na dinaanan ng kanyang administrasyon bunga ng mga pagpuna mula sa mga kritiko rito at sa ibang bansa.

Ang sanhi ng kritisismo ay sinasabing paglabag sa karapatang pantao bunga ng tumataas na bilang ng mga napapatay sa pinaigting na kampanya laban sa bawal na droga. Bukod sa libong nasawi sa mga lehitimong police operations ay naging sunod-sunod din ang biktima ng extra-judicial killings.

Dahil pinuna ito ng United Nations, European Union at ng bansang Amerika ay pare-pareho silang nakatanggap ng malutong na mura mula kay Duterte, na hanggang ngayon ay hindi pa rin mapigilan ang kanyang bibig sa pagbibitiw ng makulay na salita laban sa kanyang mga kinaiinisan.

Maganda ang layunin ng ginagawa ng administrasyong Duterte laban sa droga.

Dahil sa takot ng mga sangkot sa pagbebenta o paggamit ng ilegal na droga ay libo-libo na ang sumuko sa mga awtoridad, sa halip maghintay sa panahon na sila na ang magiging paksa ng police operation at mapabilang sa daan-dang nasasawi.

Ang ikinalulungkot natin, parang balewala sa mga mamamayan ang mga buhay na biglang nawala nang dahil sa droga, at aprobado sa kanila ang pagpaslang sa mga suspek kahit hindi sila napapatunayang nagkasala sa korte.

Paano ang mga inosenteng nasasawi dahil sa digmaan sa droga, tulad halimbawa ng limang-taon-gulang na batang babae na binaril at napatay ng mga armadong lalaki na ang target ay kanyang lolo sa Dagupan?

Ayon sa Pangulo, tinitiyak niya na walang pulis na mananagot sa pagpatay sa mga suspek sa droga. Pero paano pa niya poprotektahan ang mga pulis sa kaso kapag tapos na ang kanyang termino?

Alalahaning mabagal umikot ang gulong ng hustisya sa sulok na ito ng mundo.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *