Monday , December 23 2024

New Bilibid Prison ‘biggest’ shabu trading hub sa Filipinas

KUNG susundan natin ang nagaganap na hearing sa Kamara, batay sa inilalahad ng mga witness, puwedeng maging konklusyon na ang National Bilibid Prison (NBP) ang pinakamalaking shabu trading hub sa bansa.

Mismong si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay umaamin na hanggang ngayon, ramdam niyang nagpapatuloy at nakalulusot pa rin ang operasyon ng ilegal na droga sa loob at sa pusod mismo ng Bilibid.

Hindi lang sa ‘pusod ng lokasyon’ kundi sa ‘pusod ng organisasyon’ ng NBP.

Hindi tayo magtataka kung isang araw ay mabisto ng Duterte administration na nagaganap din ito sa iba pang kulungan.

Ang pagkakaiba ng NBP daan-daang kilong shabu at milyones ang pinag-uusapan.

Sa ibang kulungan, tingi-tingi na sachet-sachet na shabu lang.

Lumalabas na bawat mayor ng bawat ‘gang’ o grupo sa loob ng Bilibid ay ‘tinatarahan’ at kailangan mag-produce o magtulak ng kilo-kilong shabu.

Noon umano, ang ipinalulusot lang sa Bilibid ay alak at babae. Kasunod nito ang kubol ng mga VIP hanggang pati droga.

Ngayon, sa Bilibid na lahat ang transaksiyon ng shabu na ikakalat sa buong Filipinas.

Ibig sabihin, nagpalit-palit ang administrasyon pero hindi naaresto ang korupsiyon sa loob ng Bilibid na pinaniniwalaang lumala noong administrasyon ni PGMA at PNOY.

Kung nabisto na ang drug lords sa Bilibid ay nagagamit na salukan ng salapi para rin sa election campaign fund, hindi na nakapagtataka na sinasalukan din ito ng yaman ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Sa nagaganap na pagdinig ngayon sa Kamara, naniniwala tayo na dapat ipatawag ang mga dating director ng Bureau of Corrections (BuCor) at Superintendent ng NBP upang mailarawan at matukoy kung bakit pinagsama-sama sa Bilibid ang drug lords.

Ibig sabihin, hindi simpleng insidente ang pagsasama-sama nila kundi isang grandiosong plano.

Hindi man sila masampahan ng kaso dahil sa malalang kapabayaan, malaman man lang ng bayan na sila ay naging bahagi ng pagkonsinti at pamamayagpag ng operasyon ng ilegal na droga sa loob ng Bilibid.

093016-nbp-bilibid

Ngayon, nakikita natin kung paano magturu-turuan ang mga opisyal ng gobyerno para ipagtanggol ang kanilang sarili sa bintang na sila ay corrupt.

Kung hindi pa pala si Duterte ang naging Pangulo natin ‘e hindi pa sasambulat ang malaking kalakalan ng shabu sa pambansang piitan.

Sige, kung hindi corrupt ang mga opisyal na ‘yan, ‘e ano palang puwedeng itawag sa kanila?

Incompetent?!

At mas aaminin siguro ng mga naupong director na takot sila sa mga preso kaysa tawagin silang corrupt?!

Duwag hindi corrupt?!

Wattafak!!!

Sa Japan, ang mga duwag at inutil ay nagwawakas sa Harakiri.

Sa Filipinas, mas gusto ng mga corrupt na sila ay tawaging duwag at inutil…

Pero hindi sila nagha-Harakiri.

Nabubuhay sila sa kapal ng mukha at tigas ng sikmura.

Kaya nasisikmura nilang malulong sa masamang bisyo gaya ng ilegal na droga ang mara-ming mamamayan sa bansa…

Bukod sa mungkahing death penalty na inilalako ng Duterte administrationsa Kamara, patuloy ang operation tokhang at tokbang ng Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ito ang formula ng Duterte administration para wakasan ang pamamayagpag ng ilegal na droga.

At isa tayo sa umaasa, na dito magwawakas ang pamamayagpag ng salot na ilegal na droga.

ANO ANG GINAGAWA
NI RONNIE DAYAN
NOON SA BI-OCOM?

100816-mison-dayan-de-lima

Noong panahon ni Immigration commissioner Fraud ‘este’ Fred Mison, maraming immigration employees ang nagsasabi na nakikitang regular visitor sa BI-OCOM si Ronnie Dayan, ang itinuturong BFF ni dating justice secretary ngayo’y senadora Leila De Lima at tagakuha ng mga ibi-nibigay na ‘tara’ ng mga drug lord sa New Bilibid Prison (NBP).

Ano kaya ang official business niya at sino ang madalas niyang dalawin at kausapin sa immigration?

Meron kayang bilin sa kanya si mama babes ‘este Madam Leila, kaya iniiwan niya ang kanyang official function as bodyguard at siya mismo ang pumupunta kay pabebe boy?

Ano ang laging pakay niya at lagi siyang na-kikita sa immigration at sa opisina pa ng commissioner?

Very unusual kasi kung sasabihin na naging very close ang isang mataas na official ng isang agency tulad ni Mison sa isang gaya ni Mr. Daya ‘este Dayan lalo’t hindi naman siya personal staff ‘di ba?

Knowing the character of Fred Mison, maniniwala naman kaya ang lahat na magiging very accommodating siya sa mas mababa pa sa kanya!?

Wattafak?!

Hindi kaya umabot din sa pang-amoy ni “Ronnie Boy” ang milyones na kinikita sa recall exclusions, lifting of blacklist, facilitation of different visa, voluntary deportations, escorting sa airport, mga transaksyon sa Legal Division, pagpapapasok ng Chinese shabu chemist at sandamukal pang pinagkakakitaan ng ilang tulisan noong panahon ni Miswa ‘este Mison?

Alam nang lahat sa bureau na rito namayagpag nang husto ang bulsa ‘este career ng isang pa-good guy pati na ang mga taong malalapit sa kanya!

Kaya ang amin lang, kung gusto pang i-explore ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre ang  lawak ng moneymaking activities sa panahon ni Leila De Lima, huwag sana niyang kalimutan ang partisipasyon ng Bureau of Immigration sa usaping ito!

Marami siyang puwedeng maging resource persons sa Bureau na magbibigay ng mga very interesting facts tungkol kay Mison et al.

To name a few, nariyan sina Atty. Tan-5 (tunog D5), To-balats, Enteng Kabisote, Atty. Pepper, Bentot Se, Rico Pedrealba, Atty. Utak, Johnny “extra small” Bravo at Dong Castillo!

I’m sure that would be a very interesting topic sa congress kung matutupad ito!

Ano guys GAME NA!?

HINAING NG ISANG SENIOR
CITIZEN SA DUTERTE ADMIN

DEAR SIR,

Doon sa mga nagbabalak na buwisan ang bonus ng tao at alisin ang discount ng senior citizen ay hindi naman po katanggap-tanggap sa aming pangkaraniwang mamamayan. Tulad na lang po sa akin, maraming sakit sa katawan, malaki po ang kaalwanan sa budget ng pamilya ang discount na ibinibigay ng gobyerno sa katulad kong senior citizen.

Kaunti na lang pong panahon ang ilalagi namin dito sa mundo.  Huwag naman pong alisin ang privilege na ito para sa aming senior citizen. Gawin na lang po ninyo na itaas ang tax ng mga items na luxury at ang lahat ng Corporations na affiliated sa gobyerno nang sa ganoon ay maparami ang pondo sa kaban ng bayan.  Huwag na pong mas lalong pahirapan ang mga ordinaryong mamamayan na isang kahig isang tuka.   Huwag na pong baguhin ang batas na na-implement na. Bagkus umisip ng ibang paraan upang madagdagan ang pondo ng bayan na hindi maaapektohan ang budget ng mga ordinaryong mamamayan.

– ZYRENNE A. YUMUL
Balagtas, Bulacan
[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *