Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Credit grabber ba ang PIO ng BI o hindi alam ang job description!?

LET’S give credit where credit is due.

Mukhang hindi alam ni Bureau of Immigration (BI) public information officer (PIO), Atty. Antonette Mangrobang ang patakarang ito.

‘Inangkin’ kasi ni Atty. Mangrobang ang trabaho ng Philippine Drug Enforcer Agency (PDEA) at Bureau of Customs-NAIA sa pagkakasakote sa 22-anyos Pinoy na may dalang 4.8 kilos ng cocaine.

Si Mangrobang kasi ang tinukoy na source ng isang news sa broadsheet na nabasa natin.

Parang lumalabas na trabaho daw ng BI ang pagkakasakote sa nasabing kontrabando.

Kung hindi tayo nagkakamali, since inter-agencies ang nagtatrabaho sa airport may laan silang teritoryo at depinidong trabaho.

Kung baggage and luggage ang pag-uusapan, Customs NAIA ang enkargado riyan. Ang trabaho ng BI ay i-check ang travel document ng pasahero hindi ang bagahe.

E bakit nagsasalita si Mangrobang tungkol sa kontrabando? Taga-BOC NAIA na rin ba siya?!

To set the record straight, nakatanggap sina PDEA Regional Director Wilkings Villanueva, BOC-EG DepComm. Arnel Alcaraz at BOC-NAIA District Collector Ed Macabeo ng A-1 information mula sa United States Drug Enforcement Agency (DEA) na isang pasaherong Filipino ang manggagaling sa Brazil na may dalang “high value drugs.”

NABIGONG makapasok sa bansa ang halos limang kilong (4.8 kgs) cocaine mula sa Brazil na dala ng isang 22-anyos estudyante, kinilalang si Jonjon Villamin, lulan ng Emirates Air flight EK332 (mula Brazil via Dubai) na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2, nitong Linggo ng gabi. Si Villamin ay mahigpit na inabangan ng grupo nina BOC-EG  Depcomm Arnel Alcaraz at NAIA ESS chief, Capt. Reggie Tuason matapos matanggap nina  PDEA Regional Director Wilkings Villanueva at NAIA District Collector Ed Macabeo ang A-1 information mula sa United States Drug Enforcement Agency (DEA) na isang pasaherong Filipino mula sa Brazil ang may dalang “high value drugs.” (Retrato mula sa Facebook account ni Raul Esperas, teksto ni JSY)
NABIGONG makapasok sa bansa ang halos limang kilong (4.8 kgs) cocaine mula sa Brazil na dala ng isang 22-anyos estudyante, kinilalang si Jonjon Villamin, lulan ng Emirates Air flight EK332 (mula Brazil via Dubai) na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2, nitong Linggo ng gabi. Si Villamin ay mahigpit na inabangan ng grupo nina BOC-EG Depcomm Arnel Alcaraz at NAIA ESS chief, Capt. Reggie Tuason matapos matanggap nina PDEA Regional Director Wilkings Villanueva at NAIA District Collector Ed Macabeo ang A-1 information mula sa United States Drug Enforcement Agency (DEA) na isang pasaherong Filipino mula sa Brazil ang may dalang “high value drugs.” (Retrato mula sa Facebook account ni Raul Esperas, teksto ni JSY)

At dahil natanggap ng PDEA at BoC ang nasabing impormasyon, iti-timbre rin nila ito sa ibang agency para sa koordinasyon.

Kay nga pagdating ng subject (Jonjon Villamin) sa arrival ng NAIA terminal 3, sinalubong siya nina AIDTF head Sherwin Andrada at NAIA Customs police chief Capt. Reggie Tuason at inutusan na pumasok sa tanggapan ng Customs para inspeksiyonin ng kanyang mga bagahe.

Doon nakompirma na na ang “high value drugs’ ay 4.8 kilograms of cocaine.

Siyempre, unang daraan lang sa Immigration counter ang subject kaya tinimbrehan na sila.

Pero hindi ibig sabihin nito na sila ang nakasakote.

Anyway, kinikilala rin natin ang ambag ng BI na positively ay natukoy nila ang subject, kaya ang sinasabi lang natin, huwag solohin ni Mangrobang ang credit sa pagkakasakote sa cocaine at kay Villamin.

‘Yun lang, Atty. Mangrobang…

In short, huwag kayong credit-grabber!

NAKAPANGHIHINAYANG
ANG AKTOR NA SI MARK
ANTHONY FERNANDEZ

100516-mark-anthony-fernandez

Personal na obserbasyon po ito ng inyong lingkod.

Kung tutuusin, maraming oportunidad para ipagtanggol ni Mark Anthony ang kanyang sarili.

Lalo’t sinasabi niyang hindi kanya ‘yung isang kilong marijuana.

Inamin niya na bibili siya pero hindi umano kanya ‘yung isang kilong marijuana (cannabis).

Pero nang sumunod na iharap siya sa media, sinabi naman niyang gumagamit siya ng marijuana bilang proteksiyon laban sa cancer dahil nga ang kanyang ama ay namatay sa cancer.

May nakikita naman tayong katotohanan sa sinasabi ni Mark Anthony. ‘Yun nga lang, ang marijuana sa ating bansa ay ‘prohibited’ pa.

Hanggang ngayon ay nakabinbin pa sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas na Medical Marijuana, House Bill 180 (Philippine Compassionate Medical Cannabis Act). Hindi rin po lahat ng marijuana ay nakagagamot. Ayon sa neurologist na si Dra. Rhea Salonga-Quimpo, hindi lahat ng strains ng Cannabis ay nakagagamot. Hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa ito.

Ibig sabihin, hindi naman ‘yung HB 180 ang pinag-uusapan sa kaso ni Mark Anthony. Dahil mayroon pa ngang umiiral na batas laban dito.

Ang ipinagtataka rin natin, nauna pang dumating ang media people kaysa mga kamag-anak at abogado ni Mark Anthony.

Dalawang araw pa ang lumipas bago siya nadalaw ng kanyang inang si Ms. Alma Moreno.

Isa pa, na-inquest si Mark Anthony nang walang abogado?! Hindi man lang ba siya pinayagan ng mga pulis na tumawag ng abogado niya?

Wattafak?!

Parang minadali ang pagsasampa ng kaso kay Mark Anthony?!

Ano ba ito, compliance sa utos na kailangan nang makadakip ng mga taga-showbiz ang PNP Region 3?

Tsk tsk tsk…

Sana ay makakuha ng magaling na abogado si Mark Anthony, lalo’t nakita naman natin sa kanyang pangangatawan na mukhang hindi naman siya abusado, kung gumagamit man siya talaga ng marijuana.

Huwag naman maging ‘baby ama’ part 2 ang maging buhay niya.

Umaasa pa rin tayo na malulusutan ni Mark Anthony ang problemang ito.

“CLINICA CASINO” NAMAMAYAGPAG
SA STA. ROSA, LAGUNA

082616 STA ROSA LAGUNA

Sikat na sikat daw ang isang clinic (LAZA DE VENICIA) diyan sa Sta. Rosa city, Laguna dahil nasa tapat nito ang isang mini-casino o perya-sugalan (pergalan).

Super daw sa lakas ang color games, drop balls at  saklaan dahil maraming kabataan ang nalululong dito.

Ang ipinagtataka ng mga residente, bakit tahimik si Barangay Chairman ALDRIN LUMAGUE ng Barangay Tagapo sa nasabing pergalan!?

Pero mas tahimik daw ang hepe ng pulisya ng Sta. Rosa, Laguna?!

Magkano ‘este ano’ng dahilan!?

Ang sagot kaya riyan ay sagot din, kung bakit ayaw ipasara ni Mayor DAN FERNANDEZ ang nasabing pergalan?

Paki-explain!

KULANG SA OPLAN TOKHANG
SA PACHECO TONDO BRGY. 119

MAGANDANG umaga po. Concern citizen Lang po ako. Nais ko po sana ireport ang area namin dito sa PACHECO QUIRINO TONDO MANILA Brgy. 119 under chairman Edna Ramos. Grabeh na po ang away dto, patayan, droga. Dami adik  sa area na ‘yan. Walang mgawa ang chairman. Gabi-gabi kami napeprehuwisyo mga siga cla. Matatapang kc nakabatak ng droga. Sana po magawan ninyo ng aksiyon. Pa-surveillance po ninyo ang area na ‘yan. Sana po makaabot ito sa pulisya. Kung cno-cno pinagdidiskatahan. Nadadamay pti mga inosenteng tao.

+63936221 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *