Monday , December 23 2024

No name names sa showbiz drug users/pushers makatutulong ba?

HINILING kay Pangulong Rodrigo Duterte ng aktor na si Rez Cortez bilang presidente ng Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino (KAPP) na huwag isapubliko ang pangalan ng showbiz personalities na sangkot sa ilegal na droga.

‘Yan ay sa panahon na marami nang nasasakoteng showbiz personalities. Ang latest ay sina Krista Miller, 2 FHM model at kamakalawa ng gabi lang ay si Mark Anthony Fernandez.

Nagtataka lang tayo kina Ms. Krista, panay ang takip niya ng mukha ‘e kilala naman sila ng publiko. Kakaiba kay Mark Anthony na nakapagtatakang iniharap sa isang malaking press conference kahapon dahil sa isang kilong marijuana. Mariing itinanggi nung una ni Mark Anthony na kanya ‘yung marijuana.

Ang rason ng beteranong aktor na si Rez, mas makabubuti umano na ibigay muna sa kanila ang pangalan ng mga artistang nasa narco-list para makausap nila at mapagsabihan na maglubay sa kanilang ginagawa.

Kasabay nito, hihimukin umano nila ang showbiz personalities na iproseso ang kanilang sarili para tuluyang makawala sa pagkalulong nila sa ilegal na droga, paggamit man ‘yan o pagtutulak.

Kunsabagay, puwede namang ikonsidera kahit pansamantala ang hiling ni Cortez.

Alam naman natin na ang mga artista ay tinitingala ng kanilang mga fan. Madalas nga ‘e sinusundan pa ang kanilang mga yapak.

Ibig sabihin, ‘yan ang social responsibility nila, ang maging mabuting huwaran sa mga mamamayan lalo sa kabataan.

Kaya tinitingnan ni Ka Rez Cortez na mas mainam kung bigyan muna ng pagkakataon ang mga showbiz personalities na mabigyan ng second chance.

Puwede sigurong pag-isipan ng Pangulo ang mungkahing ‘yan ni Mr. Cortez.

Pero dapat niyang panghawakan ang mga showbiz personalities na matutukoy dahil kredebilidad niya ang nakasalalay dito.

Kung personal information lang, kung sino-sino ang mga showbiz personality na sangkot lalo ‘yung mga tulak ng mamahaling ilegal na droga gaya ng ecstacy at cocaine, ‘e maraming nakararating sa atin.

Very reliable source pa po ang nagpapaabot sa atin niyan.

‘Yung iba nga hindi na natin nakikita, siguro natakot kaya nagpahinga muna o sana naman ay tuluyan nang tumigil.

Sana lang ay makatulong ang mungkahing ‘yan ni Mr. Rez Cortez.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *